Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Reyno Oposa, binati via Zoom ni Janice Jurado (Sa kanyang birthday celebration)

Ipinagdiwang kamakailan ng director-producer na si Reyno Oposa ang kanyang kaarawan at dahil well-loved ay marami ang bumati sa kanyang social media account.

Iba’t ibang mensahe ang makikita sa timeline ni Direk Reyno mula sa kanyang mga artista at production people from his movie outfit na Ros Film Productions also his followers.

At si Janice Jurado ay talagang nag-effort via Zoom para batiin nang personal si Direk Reyno, na isa sa director na nagtitiwala sa kanya at nagbigay ng trabaho. Ang saya ng conversations ng dalawa at siyempre touched ang kaibigan naming director sa gesture na ito ni Janice.

In fairness, ang cute ng birthday cake ni Direk Reyno na kanyang ini-share sa followers. Ang wish niya ay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa buong mundo na sana ay matapos na ang paghihirap ng lahat at maging maayos na ang sitwasyon lalo na rito sa Filipinas, na ngayon ay nasa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa paglobo ng bilang ng CoVid-19 cases.

By the way, ikinatuwa nang lubos ng director-producer ang magandang feedbacks sa trailer ng latest movie na Taras na inilahok sa Cinemalaya 2021.

Waiting na lang sila sa Ros Film Productions sa magiging resulta nito. Positibo si Direk Reyno na dahil sa magandang materyal at maayos na pagkakagawa ng said film ay makapapasok sila, tulad ng nangyari sa dalawa niyang obra na Takipsilim at 9 Na Buwan na kinilala ng Cinemalaya.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …