Saturday , November 16 2024

Rotary District 3780, nagbigay pag-asa sa ‘poorest of the poor’ ng Quezon City

PINALIGAYA ang mga residente mula sa iba’t ibang barangay sa Quezon City nang magpamahagi ng food packs ang Rotary District 3780 upang maibsan ang hirap na idinulot ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Kamaynilaan at iba pang karatig lalawigan.

Sa pangunguna ni Disrict Governor Johnny Gaw Yu, sinimulan ang pamamahagi ng 5,000 food packs kada araw ng Rotary District 3780 sa ilalim ng kanilang programang Ahon Pilipino Relief Operations noon pang Martes, 30 Marso at tatagal hanggang sa Linggo, 11 Abril.

Bukod sa adopted barangays and communities ng bawat Rotary Club, higit nilang tinutukan ang mga barangay na inilagay sa special concern lockdown ng nasabing lungsod.

“Before the lockdown, we were talking about the preparation kasi nga we are trying to wait and see kung ano ang gagawin ng gobyerno. Pero so far, nakikita natin na minimal lang e. We could not see anything na katulad nang ginawa nila last year na magkaroon tayo ng food mobile vans for this barangay. Ang nakikita lang natin ay iyong lockdown. Panay lockdowns ang mga barangay at hindi natin nakikita kung ano ang plano for that barangay,” paliwanag ni Gov. Yu.

Sa personal na paggiya ni Yu, natulungan nila ang mahihirap na residente kagaya ng mga taga-Barangay Tatalon, Masambong, Apolonio Samson, Bagong Silangan at iba pang adopted barangays and communities ng Rotary Clubs na nasasakupan ng kanyang distrito gayondin ang nasa special concern lockdown partikular ang ilang bahagi ng mga barangay Roxas, Commonwealth, at Villa Maria Clara.

“I talked to some of my presidents na let’s continue our Tulong Pantawid program, eto nga ang Ahon Pilipino. It was conceptualized during last year’s sunod-sunod na typhoon. We went to Bicol and Cagayan Valley. Although we are coordinated with the Barangay Bureau of Quezon City, tinitingnan namin kung ano ang priorities. This is our commitment to the people,” ani Gov. Yu.

Bilang isang Covid survivor, nadarama ni Yu ang paghihirap at pagtitiis ng mga taong nagkasakit sanhi ng virus. Kaya sinisikap nilang maipagpatuloy ang magandang hangarin hangga’t makakaya ng kanilang badyet at manpower ng club.

Prayoridad ng Rotary District 3780 na matugunan ang nasa ilalim ng special concern lockdown barangays na sadyang hilahod sa paghihirap sanhi ng masamang epekto ng pandemic at tila walang katapusang lockdown sa bansa.

Bagamat maraming nais tumulong sa kanilang humanitarian program, hinikayat din ng District Governor ang iba pang non-governmental organizations kagaya ng Kiwanis, Lion’s Club, at Jaycees na tulungan ang mga kababayang sinasabing poorest of the poor.

“Iyon na lang ang nakikita kong isang paraan na sana lahat ng Filipino ay makatulong. Kung sino man ang may kaya, kahit konti lang, tulungan iyong kapitbahay ninyo. Tulungan mo iyong barangay mo. Okay na iyon. Help each other, that is the essence of Bayanihan,” pagwawakas ni Yu.

About Hataw Dyaryo ng Bayan

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *