Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagmamahal sa OPM Icon na si Claire dela Fuente, marami maliban sa mga ingratang sina Sam Pinto at Bela Padilla

LAST Wednesday ay nai-creamate na ang OPM Icon na si Claire dela Fuente at ini-request ni Gigo de Guzman sa younger brother na si Mickey na sa room muna niya ang urn ng kanilang Mommy Claire.

Gusto niya itong makatabi sa kanyang pagtulog. Aminado si Gigo na hindi ganoon ka-perfect ang relasyon nila ng kanyang nanay, pero alam niyang mahal na mahal sila ni Mickey at ang adopted daughter na si Rihanna na five years old pa lang.

Kahapon ay idinaos ang online wake o vigil para kay Ms. Claire at marami ang nag-participate at nakiramay pero ang pinaka naging emotional ay si Imelda Papin na kaibigan at kumare ni Ms. Claire.

Sinabi niyang sobra ang pagkabigla niya sa pagkawala ni Claire pero patuloy niyang ipagmamalaki ang kumare at hindi niya pababayaan ang mga anak na sina Gigo at Mickey.

Kahit ang daughter na si Maffi na inaanak ni Claire ay iyak nang iyak at hindi matanggap na wala na ang kanyang mabait na Ninang.

Ngayong araw naman April 5, ay ihahatid na si Claire sa huli nitong hantungan sa Loyola Memorial Park sa Parañaque na itatabi sa husband nitong si Mr. Moises de Guzman na namatay noong 2006.

Ngayong wala na ang kanilang ina, nangako si Gigo na he will take good care of his brother and baby nilang si Rihanna.

Samantala sa mga nakiramay kapansin-pansin na wala ang dating mga alaga ni Claire na sina Sam Pinto at Bela Padilla. Maging sa social media accounts nang aming silipin ay wala silang mensahe ng pakikiramay sa mga naulila ng Asia’s Sweetest Voice at Queen of Tagalog Songs na nagbigay sa kanila ng malaking break sa kanilang career.

Tunay na walang utang na loob at mga ingrata sina Bela at Sam. Ang nanatiling loyal na alaga ni Ms. Claire ay itong si Meg Imperial.

Mula rito sa amin sa Hataw, D’yaryo ng Bayan No.1 sa Balita ang aming taos pusong pakikiramay sa lahat ng mga naulila ng Karen Carpenter of the Philippines — Ms. Claire dela Fuente.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …