Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pilot show ng JC Garcia Live ni JC Garcia sa ATC Best TV 31 pumalo agad sa more than 3k views

Pinatunayan ni JC Garcia sa kanyang detractors na marami siyang fans and supporters.

Ang pruweba?

Marami ang nanood ng pilot episode ng kanyang first solo TV show na JC Garcia Live sa ATC (Asian Television Content) Best TV 31 na umeere every Friday bandang 9:00 pm sa Amerika, at tuwing Sabado dakong 1:00 pm dito sa Filipinas.

Yes first episode pa lang ng kanyang show ay humamig ng 3,324 views (and counting) si JC kaya mas lalong inspired ang Fil-Am Recording Artist-Dancer na mas pagandahin pa lalo ang kanyang programa.

Isa sa kaabang-abang sa JC Garcia Live ang opening number ni JC na sing and dance siya ng mga old disco hits. Sa second episode ng kanyang show ay naging special guest ni JC ang kaibigang kapwa singer na madalas makasama sa show na si Ms. Anette Velasco, pinsan ng aktor na si Gabby Concepcion.

Touched si JC dahil bumiyahe pa from Los Angeles ang friend niya para makarating sa kanyang show. Bongga ang jamming ng dalawa at ang saya ng chikahan nila sa ere.

Sa nasabing episode ay naglintaya si JC sa kanyang mga detractors na pilit siyang ibinabagsak pero knowing him na multi-talented at world-class ang talent — hindi sila magtatagumpay.

Sabi nga ni JC, kilalang-kilala niya ang mga taong naghahangad na siya ay bumagsak.

Nabanggit rin niya sa kanyang show na hindi talaga maiiwasan ang ‘palakasan system’ lalo na sa showbiz.

Very homey ang beautiful studio ni JC, na naka-set-up sa mismong bahay niya sa San Fran­cisco, California.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …