Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja Salvador, queen kung ituring ng TV5 (Kahit tsugi ang unang show)

AWARE naman tayo na flop sa ratings ang ginawang Sunday musical variety show ni Maja Salvador sa Brightlight Productions na napanood sa TV5 kaya’t maagang namaalam ang show.

Pero sa kabila ng hindi pagpatok ng programa ni Maja kasama sina Piolo Pascual at Miss Universe Catriona Gray ay pinagkatiwalaan pa rin ng Singko si Maja at bibida pa ngayon sa teleseryeng Niño Niña, katambal ang sikat na komedyanteng si Empoy.

At dahil umani ng millions of views ang teaser ng nasabing soap ay mabango si Maja sa management ng TV5 na itinuturing pa siyang “Queen.”

Well mag-rate naman kaya ang Niño Niña at mapanindigan ni Maja na may karapatan siyang tawaging reyna ng network na kinabibilangan ngayon?

Or else baka ito na ang huling show niya sa estasyon ni Mr. Manny Pangilinan.

Samantala seryoso pala si Maja sa pagha-handle ng mga datihan at baguhang artista sa Crown Artist Management na pag-aari nila ng boyfriend o live-in partner na si Rambo Nuñez na isang negosyante.

Nabalita na isa sa hahawakan ng magdyowa ay si John Lloyd Cruz pero wala pang kompir­masyon kung totoo ito.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …