Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor na-trauma sa pangmamanyak ng VIVA driver sa shooting ng pelikulang Revirginized (Binastos at tsinansingan)

NAKA-CHAT namin nitong Martes ang dearest Mom ni Marion Aunor na si Ma’am Maribel Aunor.

I’m very sad when I heard na na-take advantage ng pervert driver ang kanyang daughter during the shoot of their film Reverginized.

Ang Reverginized ay comeback movie ni Sharon Cuneta.

Happy na raw sana si Marion Aunor na alaga siya ng Viva Artists Agency (VAA) at nakasama pa nga niya ang megastar na si Sharon Cuneta na naging mabait at supportive sa kanya during their shooting sa Subic.

Wala rin masabi si Marion sa mahusay nilang young blockbuster director na si Darryl Yap, dahil maayos rin ang treatment sa kanilang lahat.

Pero ang inireklamo ni Marion, ayon kay Ma’am Maribel ay ‘yung ginawa sa kanya ng driver ng Viva, na itinuring nilang tatay-tatayan sa set pero binastos siya at nag-take advantage sa kanya sa shoot nila sa Subic.

Ganito raw ‘yung nangyari: may isang scene na kailangan mag-drive ng van si Marion, kaso manual ‘yung van, so nagpaturo siya sa nasabing driver dahil automatic transmission ang car niya.

Noong una ay maayos pa ang may edad nang driver na tatay-tatay nga nila sa set. Pero noong second time na kukunan ang eksena nawala na ang boundaries ng driver. Nariyang masagi-sagi niya ang legs ni Marion. Inaayos-ayos pa kunwari ang upuan para makatsansing talaga sa dalaga. Tuturuan niyang (driver) magkambiyo si Marion cambio, na siya pa mismo ang gagawa kahit nakatayo siya sa labas ng van at si Marion sa driver’s seat.

Very obvius na sinadya ng matandang driver para magawa niya ang gusto niyang makapag-take advantage kay Marion. Masama ang loob ng anak ni Ma’am Maribel at mangiyak-ngiyak talaga sa galit sa nasabingdriver. Noong una ay inirerespeto pa naman daw nila.

Pero dahil propesyonal na artista, hindi na lang kumibo at itinuloy pa rin ang eksena. Pero dahil sa hindi magandang experience ay nagka-trauma si Marion pero unti-unti na raw nakare-recover.

Nakarating kay big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario ang bad experience ni Marion. Kinausap umano siya ni Boss Vic sa set at nangako na kanyang paiimbestigahan ang pangyayari.

Hindi mapigilan ni Marion na mapaiyak kay Boss Vic habang magkausap sila. At ramdan ng dalaga at ni Ma’am Maribel na may concern sila. Kahit paano ay medyo gumaan ang loob ni Ma’am Maribel pero awang-awa talaga siya sa sinapit ng anak.

“Nakagigigil kasi talaga. Ni wala akong magawa kasi wala naman ako doon dahil bawal nga ang companion kasi lock-in taping sila sa set na sila-sila lang. Kaya sana magawan o mabigyan naman ng justice ‘yung nangyari kay Marion. Naawa talaga ako sa bata. Baka sakali maaksiyonan na nila ‘yung driver na ‘yon na matagal na ‘atang nagwo-work sa Viva,” pahayag ni Ma’am Maribel sa aming huling chat.

Nagpaabot rin ng simpatiya kay Marion sa pamamagitan ng text si Sharon Cuneta. Galit na galit rin ang megastar at makakarinig din daw talaga sa kanya ang production.

Matino at disenteng babae si Marion Aunor, na marunong rumespeto sa matatanda kaya hindi niya deserve na bastusin siya nang ganoon ng driver. Kaya dapat gawan ito ng aksiyon ng Viva at VAA nang wala nang mabiktima pa ang driver na maliliit na artista na kayang-kaya niyang manyakin.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …