Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
harassed hold hand rape

18-anyos dalagang nalasing, niluray ng kaibigan

LABIS na tiwala sa naturingang kaibigan, isang dalaga ang pinagsamantalahan habang lasing sa isang bahay sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang suspek ng mga tauhan ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS), na si Jerick Cunanan,  agad natutop sa isang lugar sa Brgy. Mataas na Parang, sa nabanggit na bayan.

Lumilitaw sa ulat ng pulisya, una munang nagkayayaang mag-inuman ng alak ang grupo ng suspek at biktima na isang 18-anyos dalaga.

Dahil tiwala sa mga kaibigan, nakipagtagayan ang biktima hanggang maitumba nila ang maraming bote ng alak na ikinalasing ng biktima.

Nagpasya ang biktima na habang lasing na lasing ay mamahinga muna sa isang lugar kung saan palihim siyang sinundan ng suspek.

Saglit pa, naramdaman ng biktima na may naghuhubad kanyang mga suot na damit hanggang kubabawan siya ng suspek na kahit lasing ay nagawa niyang kilalanin.

Dahil hinang-hina dulot ng kalasingan, hindi nagawang makapanlaban ng biktima hanggang tuluyang mailugso ng suspek ang kanyang pagkababae.

Nang mahimasmasan, agad nagsumbong ang biktima kasama ang mga kaanak sa himpilan ng San Ildefonso MPS na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek bago tuluyang makalayo.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …