MALAKI ang pasalamat ng isa sa miyembro Gold Squad na si Kyle Echarri dahil kahit panahon ng Covid-19 pandemic ay may trabaho siya at kahit noong lockdown ay kumikita ang YouTube channel niya bukod pa sa YT nilang apat nina Francine Diaz, Seth Fedelin, at Andrea Brillantes.
Ang Kadenang Ginto ang first drama series niya at aminadong marami siyang natutuhan sa seryeng ito at nakaipon din kaya niya nabili ang pangarap niyang Dodge Ram 2500 truck na mahigit P3-M ang halaga.
Anyway, kasama si Kyle sa seryeng Huwag Kang Mangamba at ang karakter niya ay hindi na mabait tulad sa KG.
Kuwento ng batang aktor sa virtual mediacon ng HKM, ”’Yung character ko masasabi kong medyo nagbago ng kaunti. I’m not the super good boy anymore. Sa ‘Kadenang Ginto’ si Kristoff kasi kahit ang sama na ng ginagawa sa kanya ang bait niya pa rin sa tao.
“Pero rito si Rafa may pinagdaanan siya kasi kaya may ibang character kayong makikita. Apo ako ni Tito Nonie (Buencamino) and si Kuya RK (Bagatsing) ang kapatid ko. ‘Yung character ko he’s part of a political family pero ayaw niya talaga sa politics and malalaman niyo kung bakit niya ayaw sa politics sa teleserye. May malalim na hugot ‘yun eh.”
Ang ka-loveteam niyang si Francine na mabait noon sa Kadenang Ginto ay maldita na ngayon sa Huwag Kang Mangamba at okay iyon para kay Kyle dahil challenging.
“I’m excited for them kasi maipapakita nila ‘yung versatility nila bilang actress. Alam naman natin na napakagaling nilang dalawa (Andrea). They’re very good artists and I’m happy that siyempre as a co-star and as a friend, na maipakita nila ‘yung other side, kung ano pa ‘yung mga kaya pa nila,” pahayag ng binatilyo.
Nagpapasalamat din si Kyle sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Dreamscape Entertainment.
“Kabado kasi ang laki ng tiwala ng buong Dreamscape sa aming apat. But it’s also such a big blessing and it’s something na alam kong kaya naming apat na gawin. I’m very thankful sa Dreamscape, sa ABS-CBN, at siyempre sa Diyos. God put us in this position and I’m very excited for the future and sa lahat ng ibinibigay sa amin ng Dreamscape.
“I’ve been in the industry for a while now and may times na iniisip ko bakit hindi pa ako tumigil? May mga time na hindi ako naniniwala sa sarili ko. But they believe in me more than I believe in myself and that makes me believe in myself even more. Hindi ko ma-explain ‘yung feeling but I’m very blessed and very excited for the future and very, very thankful.
”Itong pandemic masasabi ko na it didn’t just prepare me for this role, it prepared me for the future as a person. Kasi I got time for myself more than the people around me and think of my mental health, my physical health.
“I’m also turning 18 so I feel like it’s the coming of age so I’m getting to that point. At least ‘yung pandemic nakatulong sa akin in a way na before this, before the pandemic masasabi ko talaga na my mental health was not the best. Like when it comes to happiness, it wasn’t where I wanted it to be. And masasabi ko na nakatulong talaga itong pandemic na ito in order to prepare me for future projects and kung ano pang mararating ko,” mahabang sabi ng aktor.
At abangan ang karakter nilang apat sa HKM, ”May ginawa kaming apat makikita niyo kami very, very soon, may ginawa kami as individual artists hindi na as love team, pero Gold Squad pa rin, and makakasama namin ‘yung iba na nasa Squad Plus.”
Anyway, mapapanood na sa Marso 22 sa A2Z, TV5, WeTV at Iflix ang Huwag Kang Mangamba at makakasama ng Gold Squad sina Sylvia Sanchez, Nonie Buencamino, RK Bagatsing Dominic Ochoa, Diether Ocampo, Enchong Dee, Angeline Quinto, Matet de Leon, Soliman Cruz, Mercedes Cabral, Mylene Dizon, Matty Juniosa, Alyanna Angeles, Lance Carr, Pamu Pamorada, Troy Montero, Krystal Reyes, Mike Magat, Paolo Gumabao, at Eula Valdez.
Ang Huwag Kang Mangamba ay idinirehe nina Jerry Sineneng, Darnell Villaflor, at Manny Palo handog ng Dreamscape Entertainment.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan