Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine

Mommy Divine Geronimo, tahimik sa isyung bati na sila ng daughter na si Sarah (Walang pruweba na nagkabati na)

NANG ipromote ni Sarah Geronino, sa kanyang Instagram account ang mga ibinebentang gulay ng kanyang mommy Divine Geronimo mula sa malawak na organic farm nila sa Tanay, Rizal, ayun nag-isip na agad ang lahat sa social media na nagkabati na ang mag-ina.

Nagpunta raw kasi sina Sarah at husband nitong si Matteo Guidicelli sa birthday Party ni Mommy Divine last March 11 sa mansion ng mga Geronimo sa Mindanao Avenue sa Kyusi. Tapos kinausap raw ni Sarah ang ina at nagkaayos na sila.

Samantala kapag pinanood ‘yung video na ipinakita sa isang vlog ay hinahanap ng Popstar Princess (Sarah) ang kanyang Mama Divine, at dinig ‘yung sinabi niya na akala niya ay nandoon ang ina sa kanilang bahay.

Yes, walang pruweba na ipinakita na nag-usap na ang magnanay at nananahimik si Mrs. Geronimo sa isyu, kaya huwag munang mag-conclude kung okey na sila ni Sarah.

Lalo na itong si Matteo, na according to our source ay kinamumuhian pa rin ni Mommy Divine.

Of course sa panig ni Sarah ay talagang matagal na niyang gustong magkabati sila ng kanyang mother kasi mabait naman talagang anak ang sikat na singer-actress.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …