Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3-anyos nene ibinitiin ng buryong na ama (Misis na OFW habang ka-video call)

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang 3-anyos batang babae sa bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan mula sa kalupitan ng sariling ama na bina-blackmail ang damdamin ng overseas Filipino workers (OFW) na kanyang live-in partner sa pamamagitan ng pagbitin sa kanilang anak.

Sa ulat mula sa Bocaue Municipal Police Station (MPS) na ipinadala kay Bulacan police director P/Lt. Col. Lawrence Cajipe, kinilala ang suspek na si Ferdie Tamondong, residente sa Brgy. Batia, sa nabanggit na bayan.

Nabatid na dinakip si Tamondong matapos ibitin ang 3-anyos anak na babae habang ka-video call ang kinakasamang nasa ibang bansa na nagdulot ng emosyonal na pagkabahala sa ginang.

Sa ulat, sinabing ginagawa ng suspek ang pagmaltrato sa anak dahil sa depresyon mula nang mapalayo ang kanyang live-in partner upang magtrabaho sa ibayong dagat.

Nakarating ang insi­den­te sa mga opisyal ng Brgy. Batia kaya nakipag-ugnayan sila sa tanggapan ng Bocaue MPS at Municipal Social Welfare and Development (MSWD) na agad nagkasa ng rescue operation.

Nagresulta ito sa pagsagip sa batang bikti­ma at pagdakip sa amang nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 7610 (Child Abuse Law) at paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children).

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …