Excited na si Direk Reyno Oposa, ang kanyang mga artista, at ang buong team sa independent movie outfit na Ros Film Production, para sa ipinagmamalaking pelikula this year na TARAS mula sa direksiyon at script mismo ni Direk Reyno. Lalo’t ipinasa o submitted na ito sa Cinemalaya, na agad ini-acknowledge ng said prestigious film festival.
Sa short film category isinali ni Oposa ang movie niyang ito, na pinagbibidahan ni Dennis Cruz (anak ni Rosanna Roces). Tatakbo ang kuwento sa character ni Tonyo (Thania Pukutera), ang masayahin, mabait, at mahiyaing nagbebenta ng basahan. Hanggang makilala at maging customer si Richard – mayaman, mabait, at galante pero may lihim palang itinatago sa pagkatao.
Hanggang magtalo sila ng pokpok (Kate Denice Li) na kay Tonyo ibinunton lahat ng binata ang kanyang galit. Walang awa at brutal na pinatay si Tonyo.
Ang twist sa paghahanap ng hustisya ng Ina (Elizabeth Luntayao) ay may dumating sa kanilang tahanan si Richard, at nagpapakilalang Chief Inspector.
Makamit pa kaya ang hustisya para sa anak gayong ang kriminal at ang chief inspector na si Richard ay iisa?
Kaabang-abang ang pelikula, na trailer pa lang ay kahanga-hanga na. Co-directors ni Oposa sa proyektong ito sina Direk Bhuboy Pioquinto, Jessamine Maranan, at Neil Espiritu na co-writer ni Direk Reyno at cinematographer ng movie. Si Neil din ang gumawa ng mala-hollywood na poster ng nasabing film.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma