PINAPURIHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Jose Del Monte, sa lalawigan ng Bulacan upang matamo ang isang mapayapa at disiplinadong komunidad.
Ayon ito sa pahayag kay DILG Spokesman Usec. Jonathan Malaya sa pagsunod ni SJDM City Mayor Arthur Robes at asawang si Rep. Florida Robes sa #DisiplinaMuna Campaign ng kagawaran.
Dagag ni Malaya, magandang halimbawa ang matagumpay na pagpapatupad ng lungsod sa mga programa ng DILG partikular ang road clearing at disaster preparedness.
Gayonin aniya ang mabilis na pagkilos ng lungsod sa pagpoproseso ng negosyong tumutulong para mapataas ang kita ng lungsod sa aspekto ng pagbubuwis.
Sa kanilang panig, tiniyak ng alkalde at kongresista na makaaasa ang DILG na magiging tapat silang kaagapay ng mga mamamayan lalo pa’t regular ang ginagawa nilang “Ugnayan sa Barangay” town hall meeting.
(MICKA BAUTISTA)