Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cool Cat Ash gumagawa ng sariling pangalan at todo promote ng latest single na Loko (Just like her Ate Marion)

Nakabibilib naman talaga ang talent ng mag-sister na Cool Cat Ash at Marion Aunor na hindi lang parehong recording artist kundi team rin sa kanilang Aunorable Productions na gumagawa ng song writing, mixing production, hanggang mastering.

Yes, lahat ng ginagawang covers ni Marion ay dito ginagawa also ‘yung band covers ni Cool Cat Ash. Maging ‘yung mga song na composed ni Marion for Sharon Cuneta and Jaya.

Tumatanggap rin sila ng video production at ang husay nila sa field na ito. Samantala todo promote si Cat Ash ng kanyang latest single na “Loko” under DNA Music PH. Sunod-sunod ang guesting ng young rock singer (Cool Cat Ash) sa It’s Showtime TFC Online at sa MOR 101.9 sa program ni DJ Onse na “Live Sa Onsehan Exclusives” at sa MYX Exclusive Interview with DJ Ai dela Cruz.

At sa said zoom interview, ang sarap ng batuhan nila ni DJ Ai at very jolly person pala ang daughter na ito ni Ma’m Maribel Aunor na nakaaaliw panoorin.

Pero, in fairness, ang husay sumagot alam mong well educated.

‘Yung Mataba Music Video ni Cool Cat Ash na mapapanood sa official YouTube channel ng ABS-CBN Star Music ay umabot na sa 22K views and counting.

Marami ang na-inspired sa kantang ito na nagbabawal sa Body Shame, kaya tigilan na ang panlalait sa kapwa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …