Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor excited sa big project with Sharon Cuneta

Aside sa kilala na si Marion Aunor sa music industry na parehong nakagawa ng sariling CD Albums sa Star Music at Viva Records,  kumanta ng ilang movie theme songs na pawang blockbusters at ang la-latest na ginawang themesong para sa hugot series na “Parang Tayo, Pero Hindi” na palabas na sa VivaMax. Pinasok na rin ni Marion ang paggawa ng pelikula at before pandemic ay nakagawa siya ng pelikulang “TOGS” na pinagbibidahan nila ng international stage singer-actor na si Gerald Santos.

Isa itong romantic-comedy film na sinulat at dinirek ng Palanca awardee na si Direk Njel de Mesa. TOGS, is highly anticipated movie musical about the hardships, heartaches, and struggles of the musicians na ang characters ay parehong ginagampanan nina Marion at Gerald.

Napanood namin ang trailer nito at mahusay si Marion sa eksena nila ni Gerald. Nakipagsabayan siya ng acting sa kanyang leading man. After TOGS, ay may isang malaking project si Marion na parte ng cast ng comeback movie ni Sharon Cuneta sa Viva Films, at start na sila ng shooting ngayong March 1.

Excited na ang dalaga ni Maribel Aunor sa latest film niyang ito lalo’t ang megastar ang kanyang makakasama na nagawan niya ng isang komposisyon na “Lantern.” Very thankful si Marion sa management niyang Viva Artists Agency, sa pagbibigay sa kanya ng magagandang projects.

“Yes I’m ready to shoot na. And I’m very thankful to my VAA family for giving this opportunity na makasama sa isang movie si Ms. Sharon. Sana maibigay ko ‘yung best ko for this movie.”

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …