Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald Anderson type jowain ni Pilita Corrales (Pang-matrona rin)

KALOKAH, talaga itong usong-usong games sa social media na “Totropahin O Jojowain?”

Mjority ng naglalaro ay mga kilalang celebrity na ginagawa sa kanilang respective vlog sa Facebook at YouTube.

Like Vina Morales na ang guest sa palarong ito ay si Tita Pilita Corrales, magkasama sila sa kanilang TV musical sitcom na “Kesayasaya” na mapapanood weekly sa NET-25.

In all fairness, super game si Tita Pilita at ganado siyang sumagot sa mga actor na binabanggit ni Vina na ang laging sagot ng Asia’s Queen of Songs (Corrales) ay kanyang jojowain raw.

Pero iba ang dating sa veteran singer ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson. Nang banggitin ni Vina ang pangalan ni Gerald, with conviction ang sigaw ni Pilita na jojowain niya ang rumored boyfriend ni Julia Barretto.

Napaghahalata ba na mahilig sa bata ang singer? Well kahit alam nating hindi naman seryoso si Tita Pilita sa naging sagot niya dahil biruan lang naman ‘yung game ay kita na kinilig siya sa pangalan ni Gerald. Wow, hindi lang pala pang bagets si Gerald kundi pang older women pa.

Saka pagdating sa kaasiman ay reynang maituturing si Tita Pilita na kahit 81 years old na ay mukhang nasa 50s lang at still beautiful pa rin.

Agree?

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …