Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Epal ng Coast guard sa NAIA sinupalpal

KAMAKAILAN lang ay nagreklamo ang Bureau of Customs (BoC) sa NAIA tungkol sa panghihimasok ng ilang Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa kanilang trabaho.

Isang PO2 Fiesta ang inireklamo dahil sa panghihimasok sa trabaho ng BoC.

Dahil diyan ay mismong si Customs NAIA Deputy Collector Atty. Lourdes Mangaoang ang nagreklamo kay PCG Commanding General Admiral George Ursabia tungkol sa inasal ni PO2 Fiesta!

Sa totoo lang, hindi lang naman BoC ang nagrereklamo sa asta ng ilang miyembro ng PCG diyan kundi ganoon din ang mga taga-Immigration at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa NAIA.

“Parang sila (PCG) ang hari ngayon sa airport!” saad ng isang empleyado na nakausap natin.

Kung tutuusin wala na silang papel ngayon sa NAIA dahil itinigil na ang swab testing kaya dapat siguro bumalik na sila sa kanilang dating tungkulin.

‘Di ba nga at may ilang opisyal ng gobyerno  na hiniling na rin na buwagin na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ‘yan?

Kahit nga sa Immigration area ay walang pasintabi ang mga PCG na ‘yan at nakikialam pa sa pila ng mga pasahero.

‘Di ba trabaho ng Border Control and Intelligence Unit ng immigration ang magpapila sa mga pasahero at hindi ang mga taga-PCG na ‘yan?!

“Nakaiirita silang tingnan sa area sa totoo lang dahil akala mo may martial law sa Filipinas,” anang mga pasahero.

Anyway, sa darating na March 1, kung matutuloy ang sinasabi na pagluluwag sa pagpasok sa mga establisimiyento, baka puwede nang i-pull-out ang Coast Guards sa NAIA at ibalik sa PNP Aviation Security Group or Airport Police ang pagpapatakbo ng seguridad dito.

‘ENDORSEMENT
RACKET’ SA DFA
NABUKING NA!

PUMUTOK na nga ang talamak na pag-eendoso sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Chinese nationals na gusto makapasok sa ating bansa.

Bulto-bulto na raw kung dumating ang endorsements ng DFA sa mga tsekwa na kung idaraan sa assessment and profiling sa airport ay kitang-kita na hindi legit investors or businessmen.

Empleyado ng POGO, malamang.

Hindi raw makaimik kahit ang Immigration Officers sa airport kundi ang bumuntong-hininga na lang dahil wala silang magawa lalo pa’t ang order ay nanggaling mismo sa itaas?!

Actually, hindi lang naman Chinese nationals ang dumarating ngayon sa airport na may endorsement galing sa DFA, maging Indian nationals o mga Bombay ay kasama na rin daw sa iniendoso.

Pulu-pulutong na sila kung dumating?!

Wattafak!

Kaninong raket ba ito sa DFA? Kung titingnan ang signatory sa endorsements ay makikitang si DFA Assistant Secretary Neil Frank Ferrer ang nakapirma sa nasabing DFA endorsements.

Aware kaya si DFA Secretary Teddy Boy Locsin sa mga nangyayari?

Bukod pa riyan, nakapagtataka na karamihan sa requesting parties ay nagmula raw sa ilan nating mambubutas ‘este’ mambabatas.

Ayoko sanang maniwala ngunit may nakapagbulong sa atin na handa raw magbayad ang mga Chinese nationals ng P.1-M hanggang P.3-M bawat isa para lamang makapasok sa Filipinas.

Sus ginoo!

Kaya naman pala easy money para kina Cong.?

Imagine kung sa 10 singkit lang, puwede ka nang magkaroon ng P1-M or P3-M as in ‘Manok.’

Aba’y. sana all!

Sec. Locsin, Sir, hindi kaya ‘kol-buks’ ka na sa ilang bata mo riyan sa DFA?

Mag-helmet ka, if ever!  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *