Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor nasorpresa sa malaking project with Sharon Cuneta Movie with Gerald Santos na “TOGS” inaabangan

Bukod sa bagong theme song, na kinanta para sa hugot series na same title na “Parang Tayo, Pero Hindi” na palabas na sa VivaMax at pinagbibidahan nina Xian Lim, Kylie Versoza, at Marco Gumabao, na-surprise si Marion Aunor sa tawag ng Viva para sa malaking proyekto ni Sharon Cuneta na kasama siya sa cast.

Excited si Marion to shoot at siyempre for her ay isang malaking achievement ang makagawa ng movie kasama ang nag-iisang megastar na nagawan niya ng komposisyon. Mula sa pagkanta ng mga movie theme songs sa Viva tulad ng Akala at Delikado ay naaabot na ni Marion ang tagumpay para sa kanyang singing career at ngayo’y acting career din.

Aside sa Viva movie ay inaabangan na rin ng fans ng young Sultry Diva ang movie niya with Gerald Santos na “TOGS.” Isa itong romantic-comedy film na idinirek at sinulat ng Palanca awardee na si Direk Njel de Mesa. Kuwento ito ng dalawang magkaibigan (Marion and Gerald) na parehong musicians na dumaan sa  hardships, struggles, at heartaches na sa bandang huli ay nagkatuluyan ang characters sa movie. Aming napanood ang trailer ng movie and for me, bilang newcomer sa pag-arte ay pasado ang acting ni Marion na namana niya sa Mommy Maribel Aunor niya na sikat na singer at artista noong panahon niya.

Yes, nakipagsabayan si Marion sa husay at galing ng international stage actor na leading man na si Gerald. Born o natural actress si Marion, kaya may puwang rin ang gaya niya sa movies. The said singer-actress din ang kumanta ng theme song ng Togs.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …