Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie Padilla at Aljur Abrenica hiwalay na raw (May third party ba?)

DAHIL sa mahabang recent cryptic quote post, ni Kylie Padilla sa kanyang social media account na nagpapahiwatig ng “lone and freedom” na sinundan pa nito na, “I’ll be okay, I always am.”

Hindi na rin niya suot ang wedding ring sa kanyang mga post na larawan kaya nagkaroon agad ng speculations sa social media na hiwalay na ang actress at mister na si Aljur Abrenica.

Nadagdagan pa ang duda ng netizens na hiwalay na ang mag-asawa ng mag-post naman si Aljur habang nagdarasal siya sa loob ng kotse hawak ang rosaryo at pinasalamatan nito ang kapatid na si Vin Abrenica sa ipinahiram nitong rosaryo.

Pero confusing lang dahil nitong 22 Pebrero, sabay pang nag-tiktok sina Aljur at Kylie, hindi kaya naayos na ang gusot sa pagitan ng dalawa.

Sayang naman kung mauuwi lang sa hiwalayan ang lahat lalo’t mayroon silang dalawang anak na si Alas Joaquin at bunsong si Axl Romeo. Nasusubaybayan namin ang social media account ni Aljur at mukhang masaya naman ang pagsasama nila ni Kylie at madalas ang pakikipag-bonding ng actor sa kanyang mag-iina.

Sana kung may problema ay maayos ito at wala naman sigurong third party involve sa bahagi ni Aljur. Saka ‘di ba, matagal na ipinaglaban ni Kylie sa kanyang daddy Robin Padilla ang pag-ibig niya kay Aljur, ganoon din naman ang mister niya sa kanya.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …