Sunday , October 1 2023

Direk Daryll sa pelikulang Tililing: Kaplastikan kung ‘di tayo nawala sa ating sarili

LAHAT ng pelikulang ginawa ni Direk Daryll Yap sa Viva Films ay laging may konek sa kanyang pagkatao tulad ng Jowables at Gusto kong maging Pornstar.  Inamin ito ng direktor sa mga nakaraang zoom interview nito para sa promo ng mga pelikula.

At sa virtual mediacon ng Tililing nitong Lunes ng tanghali ay inamin ulit ni direk Daryll na konektado sa pagkatao niya ang kuwento ng pelikula na ayon sa kanya ay 2009 pa niya ito naisulat base na rin sa personal experiences niya.

Ang tiyahin niya na kapatid ng tatay niya ay dinala sa mental institution dahil may mental illness.

Noong bumisita kami I was really traumatized of what happened there (sa institution). Back 2009 isinulat ko, during that time when I went to that institution, it’s a very historical place near in Olongapo (City). During that time (same year) may malaking fire sa Tondo, so konek ko lang lahat sa current events during that time,”  kuwento ng batang direktor.

At noong 2020 ay sumakto na maraming problema ang bansa na dumaranas sa Covid19 pandemic kaya sakto ang kuwento ng Tililing na ipalalabas sana noong nakaraang taon pero dahil nga sa pandemya ay naurong ito ngayong Marso 5, 2021.

Sa personal nitong pagkatao ay may konek din ba ang Tililing kay direk Daryll?

“Sa palagay ko, kaplastikan na lang ang magsasabing ni minsan ay hindi tayo nawala sa ating sarili kahit gaano tayo ka-successful, kabuting tao, kabait (sa iba), kung gaanon man tayo kayaman, dumarating tayo sa punto ng ating buhay na sa palagay natin ay napapagod at nauubos tayo or nararating na natin ang dulo ng ating mitsa.

“Para po sa akin, walang espesyal na tao ang hindi nakararanas sa buong buhay ng kanyang existence ns hindi siya naitulak sa gilid ng bangin, hindi siya nakaranas ng pagta-traydor ng kapwa, hindi man lang siya nakaranas ng panloloko ng pagmamahal, o bansagan ng kung ano-ano,”esplika pa.

Totoo naman, saksi rin kami na maraming tao ang nakaranas ng tililing na ang iba ay nakare-recover at ang iba ay hindi na lalo na kung mabigat ang mga pinagdaraanan at ‘yung iba ay walang support system mula sa mga mahal sa buhay.

Hindi pa namin napanood ang pelikula pero sa pagkaka-intindi namin ay tinalakay ni direk Daryll ang dinaranas ng mga taong may mental illness at ‘yung iba ay gumaling na at nakauwi sa kanilang pamilya.

Ipakikita rin kung gaano naman ang hirap ng mga nag-aalaga ng mga pasyente sa isang mental institution na para mapasunod sila ay kailangang sakyan din nila ang mga ito na kaya napagkakamalang kaisa na sila.

Dagdag pa ni direk Daryll, ”ang pelikulang ito ay para sa mga dating depressed, sa mga depress, sa mga nadi-depress, dumaan sa mga chemical abuses o kaya nagdaan sa mga panghuhusga ng lipunan. Isa po itong testament na pantay-pantay tayong lahat ng estado sa lipunan, mayaman o mahirap.”

Anyway, mapapanood na ang Tililing sa Marso 5 sa sinehan at Vivamax mula sa Viva Films na pagbibidahan nina Gina Pareno, Candy Pangilinan, Chad Kinis, Donnalyn Bartolome, Yumi Lacsamana, at Baron Geisler.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Carla Abellana Marian Rivera Maine Mendoza Pilo Pascual

Piolo, Maine, Marian gustong makatrabaho ni Carla

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang pag-welcome ng All Access to Artist kay Carla Abellana na maging isa sa …

Bong Revilla

Birthday party ni Bong pinutakti ng mga politiko at artista

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang birthday celebration ni Sen Bong Revilla sa Grand Ballroonm ng Okada …

Carla Abellana All Access to Artists AAA 2

Tom handang harapin ni Carla — Hindi naman ako parang magpa-panic or matatakot 

RATED Rni Rommel Gonzales DERETSAHANG sinagot ni Carla Abellana ang mga tanong sa kanya tungkol sa dating …

Sikat na loveteam ‘di pa man umaamin hiwalay na

MA at PAni Rommel Placente TOTOO kaya itong nakarating sa amin na umano’y hiwalay na …

Dennis Trillo Bea Alonzo

Dennis sa ‘what ifs’ sa kanyang buhay

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL tungkol sa “what ifs” ang Love Before Sunrise nina Dennis Trillo at Bea Alonzo natanong si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *