Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald Anderson, gusto nang maging tatay (Kay Julia Barretto kaya?)

GUEST si Gerald Anderson sa vlog ng kaibigang former PBB housemate na si Joe Vargas at naglaro sila ng Q&A sa pamamagitan ng pag-shoot ng bola o hindi at naging game si Gerald sa lahat ng tanong sa kanya ni Joe.

Like kung naiisip na ba niyang magpakasal? Hindi ini-shoot ng actor ang bola na ang ibig sabihin ay gusto niyang sagutin ang katanungan sa kanya.

“Syempre naman. ‘Yun ‘yung next chapter ng buhay natin. Inaayos natin lahat ‘yan,” sabi ni Gerald. At kung may anak na ang actor? “Wala pa pero sana soon,” anang actor.

Ibig sabihin, gusto nang maging tatay ni Gerald at alam naman ng lahat na kahit walang pag-amin sa pagitan nilang dalawa ni Julia Baretto ay marami ang naniniwala na sila na.

Well si Julia na kaya ang magiging ina ng anak ni Gerald in the future? Let’s wait and see. Pero for us kapag naging tatay na ang actor ay naniniwala kaming isa siyang magiging mabuting ama at good provider. Mapagmahal sa kanyang pamilya si Gerald maging sa mga kaibigan. Kaya suwerte ang magiging anak ng kapamilya actor dahil magkakaroon siya ng good and responsible father.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …