Friday , November 15 2024
dead gun police

Alyas Bulog nakipagratratan timbuwang (Pumalag sa search warrant)

NAPATAY ang isang lalaking may kinakaharap na kaso nang manlaban habang sinisilbihan ng search warrant ng pulisya sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 20 Pebrero.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Leandro Gutierrez, acting chief of police ng Marilao Municipal Police Station (MPS), kinilala ang napatay na suspek na si Enrico Cuare, alyas Bulog, residente sa Brgy. Sta. Rosa 1, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, dakong 6:00 am kamakalawa, nang isisilbi sana ng mga tauhan ng Marilao MPS ang search warrant na inisyu ni Hon. Albert R. Fonacier, 1st Vice Executive Judge ng RTC Branch 76, Malolos City, Bulacan na may petsang 19 Pebrero 2021 laban kay alyas Bulog sa Marciano St., Ysmael Village, sa nabanggit na lugar.

Nang dumating sa lugar upang isilbi ang search warrant, agad pumalag si alyas Bulog sa mga awtoridad at pinaputukan ang mga awtordiad na napilitang gumanti hanggang nagresulta sa kamatayan ng akusado.

Nakuha sa lugar ng insidente ang isang kalibre 9mm pistol, isang improvised 12-gauge shotgun, isang caliber .38 Armscor 202 na kargado ng mga bala, aluminum foil strip, keypad cellphone, at relo.  (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *