Saturday , November 16 2024

Akusadong rapist ng dalagita timbog (Sa SJDM City, Bulacan)

MATAPOS ang matagal na panahong pagtatago sa batas, nadakip ng mga awtoridad ang isang lalaking gumahasa sa isang menor de edad sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 16 Pebrero.

Kinilala ang naarestong suspek na si John Alma, Jr., 42 anyos, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Minuyan II, sa naturang lungsod.

Nadakip ang suspek sa bisa ng arrest warrant sa kasong rape dakong 9:15 pm kamakalawa.

Isinilbi ng mga tauhan ng San Jose Del Monte CPS kasama ang mga elemento ng 1st MP, 2nd PMFC-Bulacan PPO, 301st RMFB-3 at 24th  Special Action Company (SAF) ang warrant of arrests laban sa akusado para sa  paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at Qualified Rape (12 counts), na parehong walang piyansa, nilagdaan ni Honorable Judge Ma. Cristina Geronimo Juanson ng Branch 5-FC Regional Trial Court SJDM.

Kaugnay nito, pinuri ni Bulacan Police Director P/Col. Lawrence Cajipe ang mga operatiba na humuli kay Alma sa maayos na trabaho at resulta ng suporta mula sa komuni­dad na nagturo sa kinaro­roonan ng akusado.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *