Monday , December 23 2024

21 mangingisda ‘dinakip’ sa illegal fishing

ARESTADO ang 21 mangingisda sa pina­tinding pagpapatupad ng anti-illegal fishing operation ng pulisya sa mga bayan ng Bulakan, Paombong at Obando, sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 17 Pebrero.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, unang naglatag ng operasyon ang Paombong MPS katuwang ang Bulacan Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagresulta sa pagka­sa anim na mangingisdang sakay ng magkahiwalay na bangkang de motor habang nangingisda gamit ang motorized net (trawl) sa coastal areas ng Brgy. Sta. Cruz, sa bayan ng Paombong dakong 10:00 am, nitong Martes, 16 Pebrero.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Ryan Papa, FJL1 Fishing Boat Captain; Jhon Aries Burgos, FJLJ NICO Fishing Boat Captain; Whelinder Salamat, Let-Let Fishing Boat Captain; Wilson San Diego, Mario Polita, at Tomas Galicia, Jr., pawang mga residente sa Brgy. Binuangan, bayan ng Obando.

Nakompiska sa mga mangingisda ang pitong banyerang naglalaman ng halos 18 kilo ng isdang dulong na tinatayang nagkakahalaga ng P14,000.

Dinala ang mga nasam­sam na ebidensiya sa Bulacan Bureau of Fisheries and Aquatic Resource para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, sa isa pang illegal fishing operations na ikinasa ng Obando MPS at Obando Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council, naaktohan ang pitong mangingisda na gumagamit ng drag net/fine mesh net sa coastal area ng Brgy. Salambao, sa bayan ng Obando, dakong 10:45 pm kamakalawa.

Kinilala ang mga naarestong mangingisda na sina Crisostomo Tolentino, fishing Boat Captain (Mulawin boat); Rommel Cabral, fishing Boat Captain (Raymond boat); Christopher Lintag, Fishing Boat Captain (Princess Anika Boat); Armando Lintag, fisherman/helper; at Christian Santos, fisherman/helper, pawang mga residente sa Sta. Elena, sa bayan ng Hagonoy; at Raymond Regalado, fisherman/helper mula San Pablo, sa naturang bayan.

Kinompiska sa mga mangingisda ang tatlong bangkang de motor na may mga tatak na Mulawin, Raymond, at Princess Anika; tatlong set ng fine mesh; fish nets; at banyera na naglalaman ng halos 40 kilo ng isdang kabasi, na tinatayang nagkaka­halaga ng P2,000.

Sa pinakahuling illegal fishing operation, nasukol ang siyam na mangingisda ng mga tauhan ng Bulakan MPS, nang maispatan sa bangkang de motor habang nangingisda sa marine protected area sa coastal area ng bayan ng Bulakan, dakong 3:30 am kahapon.

Nabigo ang mga mangingisda na mag­pakita ng fishing permit at mga kaukulang doku­mento kaya inaresto sila ng mga tauhan ng Bulakan MPS.

Kinilala ang mga mangingisdang sina Aghamin Marquez, alyas Amen;  Elias Guevarra; Aaron Marquez, alyas Gaga; Anghelo Pagtalu­nan, alyas Bunso; Mark Joseph Ocampo, alyas Puroy; Jonas Paul Guevarra; Michael Dalistan, alyas Potong; Angelito Escanilla, alyas Lito; at Francisco Guevarra, alyas Kokoy, pawang mga residente sa Tibig, sa naturang bayan.

Nakompiska sa mga mangingisda ang apat na bangkang de motor na gamit sa pangingisda sa laot.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *