Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Rehistradong helmet pahirap na naman sa motorcyle riders

AKALA natin ‘e Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) lang ang sobrang magpahirap sa sambayanang motorista.

Hindi pala, mayroon din pala silang kasama sa liga na isang kongresman.

Ang masaklap, kalugar pa natin ang kongresman na malayong-malayo sa utol niyang mayor namin.

Yes, si Rep. Eric Olivarez na walang binatbat sa husay ng kanyang utol na si Mayor Edwin Olivarez.

E mantakin naman ninyong naghain ng panukalang batas na dapat daw irehistro sa LTO ang mga suot na helmet ng motorcycle riders bilang rekesitos sa pagkuha ng lisensiya sa pagmamaneho?!

Wattafak!

Wala na bang ibang maisip si Cong. Eric na kapaki-pakinabang para sa bayan?!

Ito po ‘yung House Bill (HB) 5136, na inihain noong Setyembre 2019.

Ang dami nang pasanin ng mga motorista, mantakin ninyong ‘yan pa ang naisip ni Cong. Eric?

E sa totoo lang po, tayo’y taga-Parañaque pero hindi natin maramdaman itong si Cong. Eric.

Mas ramdam pa namin si Gus Tambunting ‘e.

Sana naman, makaisip si Cong. Eric ng mga makabuluhang batas na makatutulong sa mga residente ng lungsod o ng distritong kanyang kinakatawan.

Kumusta naman po ang effort ninyo, Mr. Congressman sa panahon ng pandemic?!

Parang wala kaming narinig.

Mayroon ka bang naiisip na batas kung paano poproteksiyonan ang iyong mga kababayan?

Tsk tsk tak…

Oy wait! Mabuti naman at naisipan ninyong ipa-defer ‘yang HB 5136 na iyong panukala.

Aba’y nasasama pa sa kahihiyan si Mayor Edwin ‘e.

Makihalubilo ka Mr. Congressman sa mga constituents mo para alam mo kung anong nangyayari sa kanila.

‘Yun lang ang tamang paraan para naman magkaroon ng katuturan ang mga panukalang batas na inihahahin mo.

Kumuha ka rin kaya ng maayos-ayos na sulsultant ‘este consultants  para naman magkaroon ng sustansiya ang iyong mga panukala.

‘Yun lang!

 

SINO ANG BACKER/
PROTECTOR NG 4 JOs
NA NATAKASAN
NG KOREAN FUGITIVE!?

NATATANDAAN n’yo ba ‘yung puganteng Koreano na nagngangalang Yang Rae Song na pinatakas ‘este’ nakatakas sa kanyang escorts na miyembro ng BI Civil Security Unit noong 31 Enero 2020?

Nagtungo noon sa Floridablanca, Pampanga sina Song kasama ang kanyang escorts na pinayagan at binigyan ng permiso na makipag-settle sa kanyang ibinebentang real estate property.

Aba, onli in da Pilipins!

Nakakulong na, nakakapagnegosyo pa!?

Pinalabas sa BI Warden’s Facility Unit sa Bicutan ang pugante at binigyan permiso ng kasalukuyang warden noon na si Ramiecar Caguiron para magpa-check-up kuno sa Taguig Pateros District Hospital.

Bitbit ang kanyang apat na CSU escorts na sina Dennis Ansaldo, Bernard Mabida, Raymond Capuron, at Lee Sean Matignas, sinamahan ng apat na kolokoy si Song ngunit imbes dumeretso pabalik sa detention pagkatapos ng kanyang check-up ay pumayag sila na samahan papuntang Pampanga!

Holy sheet!

Pagkatapos dyumingle, resulta;

“E di nag-David Copperfield ang ungas!”

Ayon sa praise ‘este’ press release ng BI, maliwanag daw na nagkaroon ng connivance/sabwatan ang pugante at ang escorts na siyang dahilan kung bakit sila na-relieved sa puwesto maging ang kanilang warden na si Ramiecar Caguiron!

Agad na nag-order ng manhunt si Commissioner Jaime Morente dahil sa nangyari.

Dumaan ang Sampung (10) buwan ng kanyang pagtatago ay nahuli rin si Song sa probinsiya ng Isabela.

Samantala, marami ang nagtataka kung BAKIT pagkatapos ma-relieved ang apat na escorts cum patakas ‘este’ bantay ni Yang Rae Song ay nariyan pa rin sa BI ang apat na personalidad na involved sa transaksiyon na ‘yan?

Hindi ba’t may order ng non-renewal ng kanilang contracts si Commissioner Morente pero bakit nakabalik sa BI pa rin ang mga kolokoy!?

Kung may paniniwala ang mga nag-imbestiga na may connivance sa pagitan ng pugante at ng apat na escorts nito, so hindi malayo na may kumita sa transaksiyon na ‘yan?!

So why not for another second chance?

John Lloyd Cruz – Sarah G. ba ‘yan!?

Nasaan na yung one-strike policy na gustong ipatupad sa mga nagkasala?

Sino ang ‘gas-mating’ padrino ng apat na escorts ng kolokoy na ‘yan?

Ang dating warden kaya na natsugi sa Bicutan?

O baka naman si “Madam A,” kaya roon sila assigned ngayon sa opisina niya?

How, how de carabao Comm. Jaime Morente!?

Alam mo ba ‘yan Commissioner o natsutsubibo ka ng mga tao mo riyan sa BI main office!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *