Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla
Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

Sabi ni Daniel Padilla: Dapat pinag-uusapan ng magkarelasyon ang pagpapakasal

SA KANILANG vlog ni Daniel Padilla, Kathryn asked her boyfriend if he finds her answer offensive every time she is asked when she and Daniel are going to get married. Sinasabi kasi ni Kathryn na matagal pa raw ‘yun dahil hindi pa sila ready.

Sagot naman ni Daniel, hindi naman daw siya nasasaktan in the event na ganito ang sagot ni Kathryn dahil ayaw naman daw niyang madaliin.

Besides, naiintindi­han naman daw niya na marami pang gustong ma-achieve si Kathryn para sa kanyang sarili.

Pero mas maka­bubuti raw kung sila’y ikakasal nang naaayon sa napag-usapan nilang plano.

Ang POV lang daw niya, huwag lang din sila male-late.

“Alam mo na ‘yung sinabi ko sa iyo na minsan,” he asseverated, “ang dami mong gustong gawin, hindi mo na napapansin, napag-iwanan ka na.

“Tandaan n’yo ‘yan, minsan puro na lang tayo, ‘Gusto natin ito, gusto pa natin gawin ito.’ Magigising ka na lang, ‘Naiwan na ako.’”

Mahirap daw pag pinagsisihan mo. Tandaan raw nating hindi na babalik ang oras.

Anyhow, they supposedly would want two children, one girl and one boy.

Whatever, last October 14, 2020, at the digital media conference of The House Arrest of Us, Kathryn shared that she would want to get married before she reaches 30.

Samantala, Daniel gave an advise on how the relationship of sweethearts should become solid and stronged.

“Siyempre una, mahal natin ‘yung isa’t isa. Pangalawa, sa lahat ng plano natin in the future, kasama ka, kasama ako.”

Also, it’s of great importance that we should supposedly show our partner how we love her.

“Pangatlo, walang katapusang pagsusuyo pa rin, ‘di ba? Alam mo naman ako ‘di ba, love? Iba lang, siyempre, parang hindi na nanliligaw.

“Pero hanggang ngayon, nag-e-effort pa rin ako sa ‘yo. Minsan nasu-surprise kita, ‘di ba?

“May mga bagay akong ginagawa na akala mo uuwi na ako, hindi naman talaga ako uuwi. ‘Yung mga simpleng bagay lang na mga gano’n.

“‘Yun lang, siguro continuous lang ‘yung pagpapakita mo sa tao na mahal mo siya. Kasi ‘yun naman ‘yun e, at saka hindi lang naman sa akin ‘yun kundi sa iyo rin.

“Di ba? Kasi kung ako lang ‘yun, mapa­pagod lang ako kung puro ako na lang ‘yung nagbibigay sa iyo.

“Hindi naman sa humihingi ako ng kapalit pero siyempre kasama ‘yun.

“Hindi puwedeng, ‘Mahal lang kita, mahal kita.’ ‘Tapos wala naman ako.”

Dapat raw, para mahalin niya lalo ang kanyang partner, dapat maramdaman niya rin na mahal rin siya nito.

Importante rin daw na purihin at i-appreciate ng magkasintahan ang isa’t isa.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …