Nang napanood si JC Garcia ng concert producer from Chicago, na nagdadala ng mga sikat na Pinoy artists sa abroad gaya nina Regine Velasquez, Gary Valenciano at iba pa, inalok na agad siyang magkaroon ng solo niyang show sa Daly City na kanilang ipapalabas nang live dito sa Filipinas sa CTV-31.
May mga programa sila rito sa bansa at hinihintay nila ‘yung kay JC na ang timeslot ay 9:00pm sa Daly City, California, at 1:00pm naman eere nang live sa Channel 31.
Si JC ang magpo-produce ng sarili niyang segment at bahala na ang producer sa marketing o ‘yung pagbebenta ng commercials.
Super flattered ang recording artist/dancer na matagal nang nakabase sa south San Francisco dahil sa dinami-rami ng puwedeng kuning host, siya ang naging choice ng said producer.
Bumilib umano sa kanyang singing voice na pang-international ang dating at napapanood ang lahat ng mga uploaded niyang covers sa Smule.
Nagkataon din na ang producer ni JC ay kaibigan ang director na si William Mayo, anak ni Direk Eddie Mayo na kaibigang matalik ng kanyang daddy Bino Garcia.
Ora mismo ay inalok ni Direk William ng movie si JC at gusto siyang isama sa ginagawang movie sa kasalukuyan na ang mga bida ay sina Robin Padilla at Jeric Raval.
Pero dahil sa conflict of schedules sa job niya bilang manager sa Security Public Storage sa Daly City, at sa gagawing TV show, pinag-iisipan muna ni JC ang offer sa kanya. Nagpapasalamat siya kay Direk Mayo at pinagkatiwalaan siya nito.
Gusto raw siyang pasikatin ng said director at ibi-build up sa mga pelikulang bibigyan siya ng magagandang role. Nang maka-chat namin si JC, sinabi niyang hindi niya isinasara ang pinto sa paggawa ng pelikula lalo’t artista ang amang si Bino Garcia.
Mangyayari din raw ito in the future kapag nagbakasyon siyang muli sa Philippines.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma