Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsugod at pambabastos ni Mariel Rodriguez kay Ivana Alawi hindi na bago (KC Concepcion biktima rin)

DURING our time in ABS-CBN at publicist kami ng mga teleserye ng Dreamscape Entertainment at Star Creatives kasama na ang number one noong Sunday showbiz oriented talk show na “The Buzz” ay may nakapagbulong sa amin tungkol kay Mariel Rodriguez na may attitude problem raw at maldita kaya walang gaanong kaibigan sa showbiz.

Tapos noong hingin ang suporta namin para sa morning show noon ni KC Concepcion na “Simply KC” na umere ng 2 seasons, ay may narinig kaming isyu na bina-badmouth umano ni Mariel si KC at minamaliit niya ang husay sa hosting ng mega daughter. Kesyo marami naman daw mahusay na host sa Kapamilya network e, bakit si KC ang pinili ng kanilang parehong mother network. Mabuti at nang makarating ito kay KC ay pinagpasensiyan na lang siya.

So for us, hindi na bago sa amin ‘yung pagsugod at pambabastos nga raw ni Mariel sa baguhang aktres na si Ivana Alawi — rich na at sikat na sikat na ngayong vlogger.

Dahil madlita nga at may kapasidad talaga ang misis ni Robin Padilla na gawin ito kay Ms. Alawi na kanyang ipinahiya sa mga kasamahang artista. Umeere pa noon ang teleseryeng “Sino Ang Maysala: Mea Culpa” nang maging panauhin ang buong cast sa It’s Showtime para mag-promote ng kanilang soap.

Oo nandoon na tayo, bawat artista sa ABS-CBN ay may privacy sa kanilang dressing room at kung may kasama man sila ay PA nila o handler o Kapamilya. Pero hindi naman din siguro ikamamatay ni Mariel kung saglit na nag-stay ang production assistant ni Ivana sa room niya dahil puno na nga silang lahat ng co-stars niya sa Mea Culpa sa isang dressing room na assigned sa kanila.

Saka nagbigay respeto naman daw ‘yung PA ni Ivana sa taong nasa room ni Mariel. Kaya ang ikinasama raw talaga ng loob ni Ivana ay ‘yung sigaw-sigawan siya ni Mariel sa harapan ng mga kasamang artista at sabihang bastos!

Puwede naman daw siyang kausapin ng TV host-actress-vlogger (Rodriguez) na silang dalawa lang at doon siya pagsabihan na bawal pumasok ‘yung PA niya sa room nito.

Well although naka-move on na raw si Ivana ay disappointed pa rin siya sa inasal ni Mariel na iniidolo pa naman daw niyang host na pinanonood niya lagi.

Well puwedeng nagbago na si Mariel dahil mabait at makatao ang kanyang husband na si Binoe, siguro masungit lang siya noong single pa. Nadadamay pa tuloy ngayon ‘yung kanyang pagkakaroon ng dugong Amerikano.

Yes, isang Fil-American si Mariel.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …