Saturday , November 16 2024

258 Bulakenyo pinagkalooban ng burial at calamity assistance

UMABOT sa 258 Bulakenyo ang pinag­ka­looban ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ng burial assistance habang 300 para sa calamity assistance sa ginanap na pamamahagi ng tulong pinansiyal para sa housing materials ng mga nasalanta ng bagyong Ulysses na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Huwebes, 11 Pebrero.

Ayon sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang calamity assistance na nagkaka­halaga ng P3,000 para sa housing materials ng mga nasalanta ng bagyong Ulysses ay donasyon ng Bagong Henerasyon Partylist sa pangunguna ni Rep. Bernadette Herrera-Dy.

Samantala, ang 258 indibidwal na pinag­kalo­o­ban ng burial assistance na nagkakahalaga ng P2,000 ay kabilang sa 550 benepisaryo ng trust fund ng lalawigan mula sa Regional DSWD.

Bukod dito, pinangu­nahan ni Gobernador Daniel Fernando sa pamamagitan ni Rowena Tiongson, pinuno ng PSWDO, ang pamama­hagi sa 50 benepisaryo ng medical at assistive devices tulad ng nebulizer, blood pressure apparatus, glucometer, wheelchair at iba pa na kaloob ng pamahalaang panlalawi­gan ng Bulacan.

Taos-pusong nag­papasalamat si Fernando sa mga tumulong at patuloy na nagbibigay ng donasyon para sa mga Bulakenyo dahil mala­king bagay ito upang maibsan ang hirap na nararanasan.

“Maraming salamat po sa lahat ng mga kababayan natin na may busilak na puso na hindi nagsasawang tumulong sa ating mga kala­lawigan. Tunay po na kapag mas marami ang nagtutulungan, mas marami pong buhay ang ating mababago at mabibigyan ng pag­kakataong maka­pag­simulang muli,” anang gobernador.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *