Monday , December 23 2024
dead gun police

Kelot pumalag sa checkpoint patay sa shootout (Sa SJDM City)

BINAWIAN ng buhay ang isang hindi kilalang lalaki matapos manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagmamando ng checkpoint sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng madaling araw, 8 Pebrero.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Fitz Macariola, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 3, dakong 4:00 am kamakalawa, habang ang mga elemento ng 301st MC ay nagsasagawa ng checkpoint operation sa Brgy. Kaypian, pinahinto ang isang hindi kilalang lalaking sakay ng Honda Beat motorcycle na nakasuot ng dilaw na sombrero at facemask ngunit walang helmet.

Imbes magpabagal ng takbo at huminto, bumunot ang lalaki ng kalibre .38 revolver saka pinaputukan ang mga tauhan ng RMFB3 na nagsasagawa ng checkpoint.

Dito mabilis na kumilos ang mga miyembro ng checkpoint team at gumanti ng putok hanggang masapol ng bala ang lalaki at mapatay sa barilan.

Kasalukuyang nag­sasagawa ng imbesti­gasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *