Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Director ng original na “Silab” na si Reyno Oposa, umuusok sa galit sa nangopya ng titulo ng kanyang Cinemalaya movie

Galit talaga, as in umuusok sa galit ang ka-chat namin last Sunday na si Direk Reyno Oposa sa gumaya o nangopya ng titulo ng Cinemalaya movie niyang “Silab” na pinagbibidahan nina Mia Aquino at JV Cain kasama ang Urduja Film Festival Best Actress na si Elizabeth Luntayao na viral ngayon sa internet.

Mapapanood sa bagong YouTube channel ni Direk Reyno na Ros Film indie movie na in just one week ay humamig na ng 73K views and still counting.

Agad na-monetized ang said channel ni Oposa dahil sa movie niyang ito. Apela ni Direk Reyno sa producer at scriptwriter na gumamit ng titulo ng kanyang pelikulang Silab, palitan nila ito ng bagong titulo.

Imposible raw na wala silang alam sa kanyang proyekto e nag-viral nga ito at 2018 pa niya ginawa ang Silab.

“Mahiya naman kayo sa balat ninyo, kung may kahihiyan kayo ay baguhin ninyo ang title ng movie ninyo at hindi kayo nakatutuwa. Bilang writer at director ng Silab, sa akin galing ang idea kung bakit nabuo namin ang pelikula at titulo nito tapos kokopyahin n’yo lang, hindi naman tama,

“Good luck na lang sa cast at sa production, at God bless sa inyo, pero please kung may delicadeza kayo ay palitan ninyo ‘yan dahil hindi kayo ang may-ari niyan,” nanginginig pa sa galit, na pagtatapos ni Direk Reyno.

At sa tono ng kanyang pananalita ay gagawa siya ng legal na aksiyon kapag hindi binago ng baguhang produ ang title ng kanilang film. Kasi ipaglalaban niya na pag-aari ito ng kanyang Ros Film Production.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …