Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

After iligwak dahil ingrata, Maja Salvador sinalo ng GMA

CONFIRM!

Nasa bakuran na ng GMA7 si Maja Salvador na isasama kina Heart Evangelista at Richard Yap sa up-coming teleserye na “I Left My Heart In Sorsogon.”

Sa katunayan sa kanyang instagram account ay ipinost ni Maja ‘yung kuha nilang picture together ni Heart na may caption na “Had fun today with the ever beautiful Ms @iamhearte. Salamat Ganda! #Soon #MeetMaja.”

Well, good for her (Salvador) kung talagang tuloy na siya sa seryeng ito pero siyempre ang sad part lang ay ‘yung tinuwaran ng aktres ang ABS-CBN na nagpasikat nang husto ng kanyang pangalan.

Anong dapat itawag sa kanya ‘e ‘di ingrata kasi may offer naman sa kanya ang Kapamilya network na teleseryeng iniwan ni Bea Alonzo na si Richard Gutierrez ang leading man. Kaso, kaysa tanggapin ang project hayun mas pinili niya ang tigbak nang Sunday Noontime Live dahil natukso sa tripleng talent fee ng Brightlight Productions.

Siguro naman dito sa GMA ay hindi makaiisa si Maja at tinapatan lang ng Kapuso kung ano ang talent fee na tinatanggap niya sa ABS-CBN, ang estasyong iniligwak na siya at sinabihang puwede nang tumanggap ng alok sa iba.

‘Yun na!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …