Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ali Mall tambayan ng salisi holdap gang (Walang CCTV camera, guwardiya nasaan na?)

KUNG sa loob ng isang mall ay hindi na ligtas ang mga mamimili o automated teller machine (ATM) clients paano pa kaya kung sa labas o sa kalye ginagawa ang mga transaksiyong gaya ng pagwi-withdraw ng pera?!

Nitong nakaraang araw ng Linggo, isang kabulabog natin ang nabiktima ng salisi holdap gang sa mall na ipinangalan sa dakilang boksingerong si Ali.

Mukhang nag-aabang lang talaga ng kanilang bibiktimahin ang mga tirador.

Pauwi na ang kabulabog natin nang maisipan niyang magdaan sa ATM machine para mag-withdraw dahil isang linggo na naman siyang magwo-work from home (WFH).

Pagkatapos mag-withdraw, dalawang lalaki ang napansin niyang sumunod sa kanya sa loob mismo ng mall mula sa ATM machine.

Simple lang ang modus ng dalawang kamoteng holdaper. Tinangkang patirin ang kabulabog natin noong siya ay papalabas na sa mall.

Simbilis ni Mohammad Ali, pinakawalan agad ng kabulabog natin ang kanyang kamao sa mukha ng isang holdaper na sumadsad sa salamin at nang makabangon ay matulin pa sa alas-kuwatrong kumaripas ng takbo.

‘Yung isa naman, pagsuntok ng kabulabog natin sa nagtangkang pumatid sa kanya, humagibis din ng takbo — at sabi nga — hanggang mawala sa paningin.

Dahil wala naman nakuha sa kanya at naiisip ng kabulabog natin na nakabigwas siya, uuwi na sana siya, pero bigla niyang naisip paano kung muli na naman silang mambiktima?!

Kaya agad niyang naisip na magpa-blotter sa pulisya. Tamang-tama naman na papalapit sa kanya ang isang security guard at sinamahan siyang magpa-blotter.

Noon naisip ng kabulabog natin na tingnan ang CCTV camera ng mall pero…isang malaking pero — sa laki ng mall na nasa hi-tech na Araneta Complex, walang CCTV ang Ali Mall.

Wattafak!

Walang CCTV ang isang mall na hindi lang sa buong bansa kilala kundi maging sa mga sikat na lungsod sa mundo.

Hindi ba’t ang Ali Mall ay laging bahagi ng kasaysayan ng kultura sa buong mundo dahil sa mahahalagang okasyon na ginagawa sa lugar kung saan nakatayo ang Araneta Coliseum?

Pero, por Dios por Santo, isang sikat na mall walang CCTV camera?!

What’s happening Aranetas?! Lugmok na ba ang ilang taon ninyong kinita sa Araneta Complex at ayaw ninyong palagyan ng CCTV camera ang Ali Mall?!

O baka naman hindi alam ng Araneta Complex na walang CCTV sa Ali Mall?!

Kaya siguro nagiging tambayan ng mga salisi holdap gang.

How about, law enforcers? Kung hindi tayo nagkakamali malapit lang sa area ang Quezon City Police District – Cubao Station (PS7).

Kumusta naman ang police visibility? Sabi nga ng kabulabog natin hindi na safe kahit saan. Mapa-mall, kalye, PUV, at mga lugar na tinatarget ng masasamang elemento na lalong nagkakalakas ng loob na isakatuparan ang kanilang masasamang plano kapag walang police visibility.

Tsk tsk tsk…mukhang busy ang mga pulis, sa pananarget ng mga ‘komunista’?! O ‘yung mga kumokontra sa kapalpakan ng administrasyon?!

Tatanungin po namin ulit: nasaan ang mga lespu?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *