Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ricky Gumera lalaking Nora Aunor

PARANG lalaking Nora Aunor ang baguhang actor na si Ricky Gumera, isa sa bida ng Anak ng Macho Dancer na ipinalabas sa KTX.ph last January 30, 2021.

Malakas at maganda ang rehistro sa screen ni Ricky, artistang-artista ang dating niya at kahit  wala pang dialogue, mata pa lang umaarte na at basang-basa mo na  ang gusto niyang ipahiwatig sa eksena na traits ni Nora na mata pa lang umaarte na.

At kahit baguhan, hindi ito nagpatalbog sa aktingan sa mga mahuhusay at veteran stars na sina Jaclyn Jose at Jay Manalo. Nagawa pa rin nitong mag-shine sa bawat eksenang naroon siya.

Tama nga si Mr. P (Joed Serrano) ng Godfather Film Productions, producer ng Anak ng Macho Dancer na isa nga si Ricky sa nag-standout at talagang nakaarte.

At isa rin ito sa masasabi naming very promising na dapat abangan ngayong 2021 dahil kahit baguhan ay may lalim nang umarte katulad ni Allan Paule at Jay noong nagsisimula pa lang sa showbiz.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …