ARESTADO ang walo kataong pawang lumabag sa batas sa serye ng police operations sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes, 2 Pebrero.
Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang unang apat na suspek sa manhunt operations na inilatag ng tracker teams ng San Jose Del Monte, Malolos, at Santa Maria police stations katuwang ang Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte.
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Alberto Divinagracia, alyas Betong, sa kasong Theft sa Brgy. Citrus, sa lungsod ng San Jose Del Monte; Herman Peladra, sa kasong Qualified Rape by Sexual Assault sa Brgy. Panasahan, lungsod ng Malolos; Luis Delos Santos sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property sa Brgy. Pulong Buhangin, sa bayan ng Santa Maria; at Mark Calayag sa paglabag sa RA 10883 sa Brgy. Guinhawa, lungsod ng Malolos.
Gayon din, timbog ang tatlong tulak ng ipinagbabawal na droga sa iba’t ibang buy bust operations ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng San Miguel, Calumpit at Baliwag police stations.
Kinilala ang mga suspek na sina Norberto Chico ng Brgy. Balaong, bayan ng San Miguel; Rogelio Oblea ng Brgy. Iba ‘O Este, bayan ng Calumpit; at Ariel Arandia ng Brgy. Pagala, bayan ng Baliwag.
Nakuha mula sa mga suspek ang anim na selyadong plastic sachets ng hinihinalang shabu at buy bust money.
Samantala, nagkasa ng search warrant operation sa paglabag sa RA 10591 ang mga tauhan ng Plaridel Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Sipat, sa bayan ng Plaridel, na nadakip ang suspek na kinilalang si Merwin Galman.
Nasamsam sa bahay ng suspek ang isang kalibre .38 Armscor 202 revolver, at iba’t ibang uri ng bala ng baril.
(MICKA BAUTISTA)