Kahit ini-insist ng doktor at ng nurse ng Sutter Mills Peninsula sa San Francisco, California, na positibo sa CoVid-19 at inaasahan na mararanasan ng Fil-Am singer na si JC Garcia ang lahat ng sintomas, ay never umanong nakaramdam ng panghihina ang kanyang katawan. Maayos ang kanyang paghinga at hindi rin nawala ang kanyang pang-amoy at panlasa.
Maging ang vomiting (pagsusuka) at diarrhea ay hindi nangyari sa kaibigan naming artist, inuubo
Siya, ‘yun lang. Kaya nagduda tuloy si JC na baka nagkamali lang ng findings ang kanyang doktor at wala naman talaga siyang CoVid-19.
Ramdam ni JC, kaya hindi siya pinabayaan ng Itaas ay dahil bukod sa pagiging God-fearing person ay ipinag-pray over siya ng kanyang brother na si Joey at ng mga kasapi ng kanilang congregation.
Kaya naman naging maginhawa ang tulog niya at kinabukasan ay nagawa na niyang magluto ng adobo, sinigang, mag-tiktok at kumanta sa Smule.
Nakabalik na rin si JC sa kanyang trabaho sa Security Public Storage, na may mataas na posisyon.
“God is Good all the time,” sabi ni JC.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma