Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grace Ibuna tinanggihan kaliwa’t kanang offers sa pelikula, hindi naghabol kay Gabby Concepcion (Rich kasi at ayaw pagpiyestahan)

SA GRAND press conference ng Anak ng Macho Dancers sa Annabel’s Restaurant ay aming naka-chikahan ang kilalang personalidad na si Grace Ibuna na parte ng movie outfit ng Bff na si Joed Serrano bilang business consultant nito.

In fairness unfading ang pagiging morena beauty ni Ma’am Grace at sobrang lakas pa rin ng sex appeal. Sa aming panayam sa kanya ay hindi maiiwasan na mag-throwback kami sa naging relasyon nila noon ni Gabby Concepcion na may isa silang anak — si Garrie Concepcion na recording artist at paminsan-minsan ay umaarte rin sa movie and TV.

Inurirat namin kay Madam Grace kung may monthly support bang tinatanggap si Garrie mula sa daddy si Gabby?

Napa-smile lang ang aming kausap sabay sabing hindi siya naghahabol sa ‘cheap’ na sustento na ‘yan na never namang ipinagkaloob ng former papa sa kanilang daughter.

E, ‘yung nararamdaman niya para sa said actor? “I remember the boy, but I don’t remember the feelings anymore,” maikling sagot ni Ms. Ibuna kay Gabo.

Aba noong sila pala nila ni Gabby ay dinumog ng kaliwa’t kanang movie offers si Madam Grace pero kahit isa sa mga iyon ay wala siyang tinanggap dahil ayaw raw niyang pagpiyestahan ang buhay niya.

Dagdag nito, busy rin daw siya sa kanyang mga negosyo noon.

Samantala, happy siya sa naging outcome ng kanilang first project ni Joed na Anak ng Macho Dancer at tinangkilik ito ng mga LGBTQ. Malay natin ay ipag-produce naman ni Madam Grace ng solong pelikula ang dalagang si Garrie.

Why not?

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …