ARESTADO ang 15 lalaki na naaktohan ng pulisya na nagpupustahan sa tupada sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 30 Enero.
Magkatuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) PFU Bulacan at mga elemento ng Sta. Maria Municipal Police Station (MPS) sa inilatag na anti-illegal gambling operations na nagresulta sa pagakakdakip sa 15 suspek na kinilalang sina Emerson Fajardo; Jose Robito Gabuya; Rollie Zerna; John Michael Cambusa; Ronnie Martinez; Ruel Santiago; Rhonell Tasara; Elmar Ignacio; Mark June Lagman; Richard de Guzman; Michael John Posadas; Romeo Salmorin, pawang mga residente sa Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria; Ruel Rebatis; at isa pang may apelyidong Salmorin, kapwa residente sa Brgy. Mahabang Parang, Sta. Maria, Bulacan; at Charito Orillan, na residente sa Bry. Tunasan, lungsod ng Muntinlupa.
Naaktohan ang mga suspek na nagsasagawa ng tupada (illegal cockfighting) sa Ubas St., Phase 5 Garden Village, Brgy. Pulong Buhangin, sa naturang bayan.
Nasamsam sa lugar ng tupadahan ang dalawang tari (gaffer blade); tatlong manok na panabong, at bet money na nagkakahalaga ng P2,200 cash.
Kasalukuyung nakakulong sa Sta. Maria MPS Jail ang mga suspek habang inihahanda ang mga kasong ihahain sa korte laban sa kanila. (MICKA BAUTISTA)