Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boses pang-international ang dating Marion Aunor kompositor rin nina Sharon at Jaya

MULTI-TALENTED talaga ang daughter ni Maribel Aunor na si Marion Aunor. Kapag siya’y kumanta puwedeng ikompara sa mga sikat na foreign artist.

Bukod sa kanyang magandang singing voice ay lumalabas lalo ang sexiness ni Marion sa kanyang mga awitin na galing sa puso kaya bagay sa kanya ang tawaging Young Sultry Diva.

Dahil sa nakai-impress na talent at ganda ay hindi lang ang Star Music ang nagtiwala sa kakayahan ni Marion maging ang Viva Artists Agency na may malalaking artista at singer na napapanood sa mga pelikula ng Viva at ABS-CBN ay kinuha ang singer-songwriter.

At hindi naman nabigo ang VAA kay Marion dahil parehong pumatok ang mga ginawang kanta na Akala para sa movie nina Bela Padilla at JC Santos na The Day After Valentine’s at ang Delikado para naman sa Just Stranger nina Anne Curtis at Marco Gumabao na parehong blockbusters.

Matindi ang dating ng Akala ng young diva na over 25 million streams na sa Spotify at may monthly listener (and counting) na 318,345 and majority dito ay millennials.

Yes nang magsabog yata ng talento ang Diyos sa lupa mula sa langit ay nasalo lahat ni Marion na bilang songwriter ay naigawa pala ng kanta ang megastar na si Sharon Cuneta na Lantern at You’re A Liar naman para kay Jaya.

Bukod sa pagkanta ng covers na weekly ay may bagong mapapanood sa kanyang Marion Aunor Official YouTube Channel ay ipino-promote rin niya ang latest single na Mahal Kita Ngayon. Puwede itong mai-download sa digital music stores like Spotify, Apple Music, and Deezer.

Isa sa well-watched na covers ni Marion sa YouTube ang O Lumapit Ka popularized by Ella del Rosario during 80s.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …