Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Galit ni Donna Belle matindi pa rin kina Maye at Lilian

Malaki ang pagsisisi ni Lady Prima (Chanda Romero) dahil sa ginawa niyang pagpilit sa anak niyang si Jaime na pakasalan si Kendra (Aiko Melendez).

Kung hindi raw sana niya ito ginawa ay maligaya sana ang kanyang anak sa babaeng tunay nitong minahal na si Lilian.

Itinanggi naman ito ni Jaime at sinabing maligaya raw naman siya kay Kendra.

Ang sabi naman ni Lady Prima, iba raw ang sinasabi ng bibig kaysa sinasabi ng mga mata ni Jaime.

Samantala, nagkita na sina Jaime (Wendell Ramos) at Lilian (Katrina Halili) sa ospital kung saan dinala si Ruben (James Blanco).

Punong-puno ng tensiyon ang pagkikita nilang iyon at nagpalitan sila ng medyo maaanghang na pananalita, na hindi naman nila gustong sabihin.

Sa kabilang dako, punong-puno pa rin ng bitterness si Donna Belle (Althea Ablan) dahil hindi pa raw siya tinitigilan ng mag-inang Maye at Lilian.

Nagalit siyang lalo nang ipagtanggol ni Nolan ang mag-ina.

Anyway, nang punasan ni Donna Belle ang lasing na lasing na si Jaime para mabawasan ang pagkalasing nito ay nagising ang kanyang ama.

Isinumbong nito na hindi pa raw tumitigil ang mag-inang sina Maye at Lilian sa pagsunod-sunod sa kanya.

Ayaw na ayaw na raw niyang marinig ang mga imbentong kuwento galing sa mag-ina.

Hindi nakakibo si Jaime dahil iba ang gustong sabihin ng kanyang bibig sa gustong marinig ni Donna Belle.

Abangan ang lalong umiinit na mga aksena sa Prima Donnas na umiere tuwing 3:25 ng hapon sa GMA7.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …