Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosanna Roces

Rosanna Roces gagawa ng malalaking proyekto sa Viva at mag-uumpisa nang mag-shoot (Kapipirma lang ng exclusive contract)

LAST Thursday kasabay ng kanyang contract signing sa Viva Artists Agency, ay nagkaroon ng virtual presscon for Rosanna Roces, imbitado ang inyong columnist courtesy of Osang.

This was hosted by Butch Francisco na one of trusted friends ni Osang na ipaglalaban siya nang patayan. At dahil kilalang prangka o straight forward si Rosana ay sinagot niya nang totoo at walang kaplastikan ang mga ibinatong tanong sa kanya ng entertainment press and vloggers.

Pero sobrang thankful ang kaibigan naming aktres sa tiwala o second chance na ibinigay sa kanya ng Viva, na naging kakom­petensiya niya noon bilang Seiko Jewel o Reyna ng Seiko.

“Nagka-edad na ako at hindi na ganoon ka-sexy, but Viva (VAA) signed me up to their stable,” say ni Osang. “Kahit kakompetensiya nila ako dati dahil nasa Seiko ako. Naramdaman ko na importante pa pala ako sa showbiz.”

Pero, hindi kinalilimutan ni Rosanna ang isa sa hulog ng langit sa kanyang karera na nagbalik sa kanya sa telebisyon sa dalawang top-rater teleserye sa ABS-CBN na Los Bastardos at Pamilya Ko na si Direk Ruel S. Bayani. Ganyan tumanaw ng utang na loob ang bagong contract star ng Viva.

Samantala exclusive ang pinirmahang contract ni Osang sa VAA kaya hawak ng nasabing management ang movie, TV, at endorsements para kay Osang.

After ng Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, na palabas na sa Viva Max starting Jan.30. Sa halagang P149 subscription, good for one month, maliban sa Pornstar ay makapanonood ng maraming pelikula ang buong pamilya. At bago gawin ni Osang ang malalaking proyekto na inspired sa classic and critically acclaimed movies noong 80s na Pieta at Insiang ay sasalang na sa bago niyang pelikulang “KAKA” ang actress.

Ilan sa mga makakasama niya rito sina Gina Pareño, Maui Taylor, Sunshine Guimary, Ion Perez, at Jackie Gonzaga ng It’s Showtime at marami pang iba. Malapit ang virtual storycon nila.

Si Diego Loyzaga naman ang kanyang makakasama sa Pieta at sa millennial version ng Insiang na this time ay anak niyang bading na gagampanan ni Diego ang makakaagaw niya kay Marco Gumabao.

Grabe, mukhang fully book na si Rosanna ngayong 2021 at lahat ng biyayang natatanggap ay kanyang ipinagpapasalamat sa Itaas.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …