Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Onyok Adriano sasabak na sa unang movie with Direk Reyno Oposa (Like his mother Osang)

Hindi na bago sa binata ni Rosanna Roces na si Onyok Adriano ang showbiz. Dahil bukod sa matagal ng artista ang kanyang Mommy, ay nakagawa na rin ng ilang proyekto noon ang batang aktor sa ABS-CBN at naging ka-batch pa ang aktres na si Andi Eigenmann.

Ngayon sa pagbabalik-showbiz ni Onyok, feeling niya ay second chance for him, at sasabak na agad siya sa una niyang movie project under Direk Reyno Oposa sa Ros Film Production nito.

Intended sa Cinemalaya 2021 ang kanilang pelikula na inspired sa controversial ngayong Christine Dacera case na gagawing gay version ni Direk Reyno at challenging ang gagampanang role rito ni Onyok.

Kahapon sa lunch treat sa amin ni Rosanna sa Chung Choon Yeong Ga Korean Resto sa Il Terazzo sa Timog ay aming na-interview si Onyok and I ask him kung ano ‘yung feeling na first movie niya ay pang-entry agad sa  Cinemalaya?

“Syempre napakabigat na pressure sa akin, pero kakayanin ko naman at gagawin ko ‘yung best ko. Saka binigyan na ako ng pointers ng nanay ko ‘yung pag-arte ng mata, ‘yung facial expressions so kuha ko naman kaya puwede na,” say pa ng binata ni Osang na excited na sa shooting nila ngayong February 21 sa Fairview, Quezon City.

Thankful siya sa offer at tiwala sa kanya ni Direk Reyno kaya pagbubutihin raw niya talaga. Masaya pala si Onyok na maayos na sila ng kanyang Nanay Osang at aminado ang binata na walang direksiyon ang buhay niya noon nang mawalay siya sa ina.

“Masaya at ilang ilang years, akong nakikipasko at bagong taon sa barkada. Masarap talagang may Nanay, ‘yung feeling masarap,” saad ni Onyok.

Pinag-iisipan pa kung ano ang magiging screen name ni Onyok na babagay sa kanya.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …