Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ashley Aunor, bagong single na “loko” malakas ang dating

Witness ako sa younger sister ng Millennial Queen of Cover Songs Marion Aunor na si Ashley Aunor, lahat ng kanta niya mapa-original o revivals man ay may dating.

Palibhasa tulad ng ateng si Marion ay composer din kaya alam ni Ashley ang pulso ng masa kaya ito ang mga ginagawa at inire-record niyang mga song.

Like itong bagong single niyang Loko na ini-launched last January 15, puwede na ninyong i-download sa Spotify, Apple Music, Deezer at mapanood sa Youtube.

Ang kantang ito ni Ashley ay para sa man­lolokong guys na bolero sa mga siyota o dyowa. Isa pang edge ni Ashley ay rakista siya kaya swak sa kanya ang kumanta ng cover ng throwback OPM hits noong 80s gaya ng Laki Sa Layaw, Iskul Bukol, at Bonggahan na awitin ng idolong si Sampaguita.

Yes, ayon kay Ashley na kilala bilang Cool Cat Ash ng Star Music artist, in the future ay gusto niyang maka-collab si Sampaguita. At alam n’yo bang ang dating member ng Apat Na Sikat na Mom niyang si Lala Aunor, ang nag-introduce sa kanya sa mga rock music na ito nina Sampaguita, Mike Hanopol, at Tito, Vic, and Joey?

Siyempre during her prime ay naging prinsesa ng Alpha Records si Ms. Lala kaya expert siya pagdating sa tamang musika para sa multi-talented daughter na si Ashley. Ito namang si Ashley total packaged, na ang outfit ay rakista talaga. Siya ang pinakabatang rocker sa local music industry na mula sa showbiz clan.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …