BILANG bahagi ng CoVid-19 vaccination program, nagpatawag ng pulong si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan upang talakayin kung paano ibibiyahe at iiimbak ang CoVid-19 vaccine.
Inatasan ng alkalde ang City Health Department na siguraduhing angkop ang lamig at kapasidad ng gagawing storage facility para sa bakuna, gayondin ang transportasyon nito.
“Pinaplantsa na natin ang iba pang kakailanganin para sa pagdating ng bakuna, isa na nga rito ang transportation at storage.
Bukod dito, titiyakin natin ang vaccination program ng lungsod ay naaayon sa guidelines ng National Task Force, DOH at FDA,” ani Malapitan.
Kasama ni Malapitan sa pulong sina Secretary to the Mayor Betsy Luakian-Kaw, City Administrator Oliver Hernandez, Chief of Staff Jeremy Regino, at mga kinatawan mula sa City Health Department. (ROMMEL SALES)