Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Reyno Oposa pinangaralan sa live streaming ang male talent na walang utang na loob

Si Direk Reyno Oposa, ang unang nagbigay sa kanya ng break at gumastos para magkaroon ng music video pero ang director pa ngayon ang pinalalabas na masama ng male talent na si Von Areno.

Kasama ng isa pang epal na si Samuel, ikinakalat ng dalawa na scammer raw si Direk Reyno. Kung makapagsalita ang dalawa, parang walang nagawang mabuti sa kanila ang nasabing director.

Bayad si Von sa kanyang recording ng Inspirado at hindi rin siya pinabayaan ni Direk Reyno noong panahon ng pan­demya.

Lahat ng kinikita ng kaibigan naming director sa kanyang YouTube channel ay ibinigay niya sa kanilang mga alaga sa Collabros Artists at kasama na riyan si Von.

Kaya hindi na nakapagtimpi pa si Direk Reyno at pinangaralan niya ang said talent sa kanyang Live Streaming.

Ayon sa film and music video director kaya siya sinisiraan sa social media nina Von at Sam ay dahil hindi muna niya itinuloy ang supposedly project ng dalawa. At may valid reason naman siya, priority niya ang amang may sakit na narito sa Filipinas. Pero hindi siya naintindihan at kung ano-anong masasakit na salita ang pinakawalan laban sa kanya ng mga walang utang na loob na nilalang.

Ibinida ni Direk Reyno ang mas sikat na alagang si Whamos na kahit delayed ‘yung project ay naintindihan siya.

By the way, bukod sa BL (Boy Love story) Series ni Oposa na “WAMPIPTI” stars Tim Pontillas, Sherwin Asis, Travis Kalon, at ang nag-iisang girl sa cast na si Charise Lepiten na inyong mapapanood ngayong January 21, 2021 sa Reyno Oposa Official YouTube channel, abangan rin si Direk Reyno kasama ang sikat na ‘Tiktokers’ na sina BGlamurr at Thania.

Kung ano ito, ay abangan malapit na… soon sa YT channel.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …