HINDI nakapalag ang 13 katao matapos dakpin ng pulisya nang maaktohanng nagsusugal sa ikinasang anti-illegal gambling operations ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 9 Enero.
Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang 13 suspek sa pinagting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na sugal sa mga bayan ng Pandi, Doña Remedios Trinidad, San Miguel, at lungsod ng Malolos.
Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Bryan Fernando ng Brgy. Mapulang Lupa, Romeo Bacud, Jr., ng Brgy. Siling Bata, at Jesus Tapalla ng Brgy. Pinagkuartelan, pawang sa bayan ng Pandi na naaktohan habang nagtutupada sa Brgy. Pinagkuartelan; Allan Parungao, Gilbert Vicente, at Jeffrey Agojo, pawang mga residente sa Brgy. Kalawakan, sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) na naaktohan sa naturang barangay na nagpupustahan sa billiard game; Paulo Perocho, arestado sa Brgy. Labne, bayan ng San Miguel, dahil sa pagsusugal sa video karera machine; Maylen Bacunawa, Analiza Bual, Joven Padilla, Christina Santos, Edralyn Escano, at Reynaldo Manahan, inaresto sa pagsusugal ng tong-its sa Brgy. Santor, sa lungsod ng Malolos.
Nakompiska mula sa mga suspek ang iba’t ibang illegal gambling paraphernalia at bet money na gagamiting ebidensiya sa korte. (M. BAUTISTA)