Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea Alonzo hinulaang magiging bilyonarya (Posible raw magkaroon ng papang DOM)

THIS year, sa kanyang latest vlog with her BFF Kakai Bautista, inimbita ni Bea Alonzo ang kaibigang tarot card reader na si Niki Vicara. At nakatutuwa ‘yung mga barahang napili ni Bea na nag-uugnay sa kanyang showbiz career at comeback movie na magiging blockbuster ayon kay Niki.

Ito ‘yung pelikula na pagtatambalan siguro nila ni John Lloyd Cruz. Tawa nang tawa naman si Bea lalo nang lumabas sa baraha na magkakaroon ng relasyon si Bea sa matured man at puwede raw ikasal ang actress rito 7 months o 7 years mula ngayon.

Pero ang higit na nagpasaya kay Bea ay nang sabihin sa kanya ni Niki na magiging bilyonarya siya in the future. Well, magkaroon man ng DOM o wala si Bea ay sure na magiging bilyonarya siya sa rami ng ipon niya at maiipon sa mga naka-line up na malalaking proyekto sa pamamahala ng bagong manager na si Madam Shirley Kuan.

Saka bulong sa amin ng aming informant, tuloy pa rin daw ang relasyon ng actress at hunk actor na si Dominic Roque.

‘Yun na!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …