Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2020 Most Outstanding Radio Host-Tokyo Liza Javier, cover sa kilalang magazine sa Amerika

PANG-INTERNATIONAL talaga ang dating ng pinarangalang 2020 Most Outstanding Radio Host -Tokyo ng 19th Annual Gawad Amerika Awards na si Liza Javier. Bukod sa rami ng awards na tinanggap at sikat na musician sa Osaka at Tokyo Japan ay popular rin sa social media si Liza.

Sa katunayan ay napili siyang cover sa isang Glossy Magazine na Regal Beauty Magazine na well circulated hindi lang sa iba’t ibang parte ng US kundi sa London, Paris, Dubai, Singapore, Hong Kong, Japan, at Manila. Ang ganda ng cover ni Liza na may one whole page article pa sa loob ng said magazine.

Kaya siya ang napiling cover ng Regal Mag ay dahil sa taglay niyang ganda at achievements. Malaki ang pasasalamat ni Liza at natagpuan niya ang dalawa sa popular na beauty products sa bansang Japan na anti-aging — ang Ruby-Cell at pampaputi at flawless ng skin na Riway.

“Totoo ‘yan my dear friend Peter (tawag ni Liza sa inyong columnist) at talagang sobrang laki ng nagawa sa akin ng mga produktong ‘yan. Alam mo naman na nasa internet tayo lagi kaya dapat always look pretty and presentable. Saka ginawa ko na ring business online and I’m very thankful na hindi ako nawawalan ng orders daily.

“About my magazine cover, gusto kong pasalamatan ang lahat ng bumubuo ng Regal Magazine specially my good friend graphic designer ng Gawad Amerika na si Sam Azurel. Sobrang blessed ko last year at sana tuloy-tuloy na, para mas marami pa akong matulungan,” say pa ng sweet and kind-hearted na si Liza Javier.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …