Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kurot Sundot ni Alex Cruz

PBA Commissioner Willie Marcial panauhin sa Zoom meeting ng TOPS

KAHAPON ay unang linggo ng taong 2021 para sa  Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports at sumalang sa  Zoom meeting si  PBA Commissioner Willie Marcial bilang solong panauhin.

Maraming katanungan tungkol sa basketball ang ipinukol na tanong sa kanya na malinaw na sinagot ni Kume.

Isa sa nilinaw niyang isyu ang kasalukuyang ipinapakitang ‘attitude’ ni Calvin Abueva sa loob at labas ng court ngayong pinayagan na siyang bumalik sa PBA mula sa suspensyon.    Ayon sa kanya, impresibo ang ipinakikitang ugali ngayon ng pambato ng Phoenix Super LPG Fuel Masters.   Diretso siya sa malinis na laro pero punung-puno ng dedikasyon.   Maging sa labas ng court ay madalas siyang maging  abala sa pagtulong sa kanyang pamayanan.

Well,  ibigay natin ang kredito kay Commissioner Marcial sa malaking pagbabago ni Abueva.   Nagsilbing aral sa manlalaro ang ipinataw na kaparusahan sa kanya ni Kume  para palitan ang dating magaspang na pag-uugali sa kanyang laro.    Ikanga ni Commissioner Marcial, isa nang huwarang PBA player si Abueva sa loob at sa labas ng court.

oOo

Sa Pebrero na ang 3rd window ng FIBA basketball na ang ilang games ay dito sa Pilipinas ilalarga.

Nang matanong natin si PBA Commissioner Willie Marcial kung ano nga ba ang magiging komposisyon ng Gilas Pilipinas sa 3rd window, kung mas malaki ba ang posiyento na manggagaling sa pro o sa cadets?

Wala siyang ideya sa kasalukuyan dahil ang bola ay nasa SBP ang pinal na desisyon kung ano ang magiging komposisyon ng Gilas.

Pero ipinahayag niya ang kanyang sariling  ideya kung paano bubuin ang Gilas para sa 3rd window.  Mas gusto niyang lamang ang bilang ng cadets kumpara sa bilang ng pro players. Nabanggit niya ang nangyari sa Iran na minsang bumuo ng isang team na ang mayorya ay mga cadets.   Ngayon ay isa nang ganap na pan­laban ang Team na tinatayang tagumpay ang eksperimentong iyon.

Tingin natin, tama si Kume.   Maganda ang ipinakita ng cadets sa 2nd window ng FIBA.  Impresibo ang kanilang ipinakitang opensa.   Na ang tanging kulang ay lehitimong sentro na kukuha ng rebounds.

Nakatikim na ng laro ang mga cadets na pang-internasyunal.   Simula nang makabuo ng kumpiyansa ang mga iyan.   Ngayon, kung ang mayorya na bubuuing Gilas Team sa 3rd Window ay mga pro—masasapa­wan na naman ang mga bagito at mababalewala na naman ang nakuhang eksperyensa sa naka­raang laro kontra Thailand.  Pero kung ang magiging mayorya ay galing sa cadets, na aasahan ng team—lalong lalarga ang mga talento ng mga batang manlalaro.

KUROT SUNDOT
ni Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …