Saturday , November 16 2024

Babala ni Isko ng Maynila: Bakasyonista dapat magpa-swab test o maharap sa kaso

MANILA — Sanhi ng obserbasyong marami ang bumabalewala sa ipinaiiral na minimum health safety protocol para mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19, pinaalalahanan ni Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga residente sa lungsod na nagbabalik mula sa pagbabakasyon sa mga lalawigan na kailangan silang sumailalim sa mandatory swab test bago tuluyang makauwi sa kani-kanilang tahanan sa Kamaynilaan.

Nagbabala si Moreno na sinumang iiwas o lalabag dito at kalaunan ay mag-test na positibo sa CoVid-19 ay maaaring maharap sa kasong kriminal.

“Kapag ikaw ay positibo at iyong pinabayaan, you might be violating a republic act. Mayroong batas para d’yan, more than the IATF (Inter-Agency Task Force) rule,” aniya.

“They might be facing cases—criminal cases,” dagdag ng alkalde.

Hindi nga lang sinabi ni Moreno kung alin o anong batas na tinutukoy niya ang maaaring nilabag ng mga nagbabalik na mga residente ng lungsod na hindi daraan sa swab test.

Hinimok niya ang kanyang mga nasasakupan na sundin ang mandatory testing upang makaiwas sa magiging problema sakaling sumuway sila sa kautusan para sa pagsusuri sa CoVid-19.

“One, may peace of mind ka na makukuha, libre mong nakuha. Two, at least kahit paano, alam mo kaagad paano ia-address and if you will turn out to be positive, we will try to take care of you,” kanyang pinunto.

Nitong 29 Disyembre, naglabas ng memorandum para sa lahat ng mga opisyal ng barangay ang Manila Barangay Bureau upang ipaalam sa kanilang mga nasasakupan na kailangan nilang pumunta agad sa mga CoVid-19 testing facility bago umiwas sa kanilang mga tirahan.

“Para sa ating kaligtasan ito and we need to learn to follow the rules if we want to stay healthy para sa ating sarili at sa ating pamilya at hindi natin sila mahawaan ng sakit,” pagtatapos ni Moreno.

 (TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *