Sunday , November 24 2024
dead gun

Tulak nanlaban, patay kasabwat nadakma sa buy-bust

NAGWAKAS ang buhay ng isang lalaking sinabing  notoryus na tulak matapos pumalag at manlaban sa pulisya sa isang buy bust operation sa San Jose Del Monte City, Bulacan bago ang magpalit ng taon.

Ayon sa pulisya, dakong 8:30 pm ay aarestohin si Elpidio Dykee ngunit nakipagbarilan sa mga pulis sa Skyline Village, Brgy. Sto. Cristo hanggang mapaslang.

Bago nakatakas ay nahuli din ng mga operatiba ang kasabuwat nito sa pagkakalat ng ilegal na droga sa naturang lungsod na kinilalang si German Baltazar.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre .38 baril at mga bala.

Nasa siyam namang suspek na sangkot din sa droga ang inaresto sa magkakasunod na anti-illegal drug operations sa Baliwag, Malolos, Meycauayan City at San Jose Del Monte City.

Ayon sa Bulacan Police Provincial Office, umabot sa 31 selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa magkakasunod na operasyon.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *